Sa mga araw ng April 3 (Holy Saturday), 4 (Easter Sunday) and 5 (Easter Monday), ang buong Italya ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona rossa katulad noong nakaraang Pasko. Ngunit ang decreto Natale ay higit na mas mahigpit ang mga restriksyon kumpara sa kasalukuyang dekreto.
Sa zona rossa, ayon sa kasalukuyang dekreto, ay pinahihintulutan lamang dahilan ng paglabas ng bahay ang trabaho, kalusugan, pangangailangan at pagbalik ng bahay.
Ngunit sa 3 araw na nabanggit ay may ilang dahilang pinahihintulutan ang batas tulad ng pagbisita sa kaibigan o kamag-anak ng isang beses sa maghapon hanggang 2 katao lamang at ang pagpunta sa Simbahan. Ipinapaalala ang pagdadala ng Autocertificazione.
Sa Pasqua at Pasquetta ay may pahintulot ang pagpunta sa mga parke at villa para mamamasyal o para sa individual exercises o physical activities sa kundisyong ito ay malapit sa bahay. Ngunit tandaan na mahigpit ang pagbabawal ng awtoridad sa group sports. Samakatwid, kung maglalaro ng basketaball ng mag-isa ay may pahintulot ngunit kung maglalaro ng basketball bilang isang grupo ay bawal ito. Ipinagbabawal din ang pagtatanggal ng mask kahit nasa outdoor.Inirerekomenda rin ang hindi pakikipag-kita sa mga kaibigan sa parke na posibleng dahilan ng ‘assembramento’.
May pahintulot ang jogging sa kundisyong ito ay malapit sa sariling tahanan at patuloy na susundin ang mga protocol tulad ng pagsusuot ng mask at social distancing.
Samantala, ang mga nais namang mag-bike ay mas malaya upang gawin ito. Sa katunayan ay may pahintulot magpunta ng ibang Comune, sa kundisyong ito ay para sa layunin lamang ng sports at ang destinasyon ay ang parehong lugar ng simula nito.
Basahin din:
- Zona rossa, narito ang regulasyon sa Easter
- Bagong dekreto anti-Covid19 simula April 3, ang nilalaman
- Picnic, may pahintulot ba sa April 3, 4 & 5? Narito ang FAQs.