Ang decreto ng May 18, na mananatiling balido hanggang July 31, ay nagbigay susog sa maraming regulasyon anti-covid na nilalaman ng dating DPCM noong Marso, ngunit walang nabanggit na pagbabago ukol sa limitasyon sa bilang ng mga bisita na maaaring tanggapin sa sariling bahay.
At kung sakaling nais mag-imbita ng mga bisita sa bahay, na nasa rehiyon sa ilalim ng zona gialla, ay kailangang isaalang-alang ang huling regulasyon na nilalaman ng decreto aperture na balido hanggang June 15, 2021.
Sa katunayan simula noong nakaraang April 26, ay napalitan ang bilang ng mga bisita – kaibigan at mga kamag-anak – na maaaring patuluyin sa sariling bahay.
Sa zona gialla at zona arancione (na sa kasalukuyan ay tanging Valle d’Aosta na lamang), ang limitasyon sa bilang ng mga bisita ay ginawang 4 na katao, mula sa 2 katao at hindi kabilang sa bilang ang mga person with disabilities at mga menor de edad. Bago ang decreto ni Draghi, ay pinahihintulutan lamang ang mga mas bata sa 14 anyos.
Ngunit sa zona gialla, ang mga bisita na maaaring tanggapin sa sariling bahay ay kailangang nagmula din sa zona gialla.
Sa zona arancione naman ay nananatili ang limitasyon na manggagaling lamang sa sariling Comune ang mga bisita.
Sa parehong zona gialla at zona arancione, ay nananatili ang maximum na isang beses lamang sa maghapon na pagbisita o pagtanggap ng bisita, sa pagitan ng 5:00 am hanggang 11:00 pm hanggang June 7 at hanggang 12:00 am hanggang June 21.
Ngunit tandaan na sa sinumang babalik ng bahay makalipas ang simula ng curfew, 11:00 pm (hanggang June 7) at hanggang 12:00 am (hanggang June 21) dahil bumisita sa bahay ng kaibigan, ay nanganganib na mamultahan dahil ito ay itinuturing na non essential o hindi motivo di necessità. Tandaan na ang curfew ay tuluyang tatanggalin sa zona gialla sa June 21 pa. (PGA)
Basahin din:
- Curfew, ginawang 11pm. Narito ang road map ng bagong decreto
- Green pass, ano ang validity nito at kailan ito ibinibigay?
- Malls at outlets, magbubukas na sa weekend. Narito kung saan, ang petsa at ang regulasyon