in

Board and lodging, bilang kabayaran sa serbisyo ng mga colf at caregivers?

Ang aking employer ay nangangailangan lamang ng part-timer at dahil sa kasalukuyang krisis ay hindi niya kakayanin ang magbigay ng sahod bagkus bilang kapalit nito ay pagkain sa araw-araw at maayos na accomodation. Maaari po ba ito?

Kaugnay sa pagbibigay ng sahod, itinalaga ng Konstitusyon na ang sahod ay dapat na proporsyon sa kabuuan at kalidad ng ibinigay ng serbisyo ng worker at dapat ay sapat upang masiguro ang malaya at marangal na pamumuhay nito at ng kanyang pamliya.

Ang Konstitusyon ay hindi nagbabawal kung paano babayaran ang worker na maaaring pagamento in natura o payment in kind ngunit nililinaw na kailangan ay sasapat ito at makakatugon sa pangangailangang personal at ng pamilya nito, na proporsyon sa uri ng trabaho.

Samantala itinalaga naman ng Civil Code, batay sa kabuuang sahod, ang worker ay maaaring bayaran ng buo o parsyal at may kasamang komisyon o in kind. At kabilang sa kabayarang ito ay ang pagbibigay ng board and lodging.

Bukod dito, tulad ng paglilinaw ng Cassazione sa isang hatol na ang tamang sahod na nakalaan sa worker ay batay sa minimum wage na itinalaga sa sektor.

Kaugnay nito, ayon sa CCNL o National Collective Contract on Domestic Job, ang sahod ay binubuo ng sumusunod:

Nasasaad din na sa kaso ng kasunduan ng employer at worker, ang pagbibigay ng board and lodging ay dapat na makapagbibigay ng:

  • Sapat at masustansyang pagkain;
  • Maayos na work place at hindi makakasama sa kalusugan at moral ng worker;
  • Angkop na tirahan at may sapat na privacy.

Bilang tugon sa katanungan, walang nabanggit na anumang pagbabawal sa pagbibigay ng sahod sa halip na pagtanggap ng board and lodging kung ang sahod ay makakapagpahintulot sa colf ng sapat at masustansyang pagkain at maayos at angkop na tirahan.

Samakatwid sa nasasaad sa Colectlive Contract, maaaring palitan ang board and lodging ng pagbibigay ng sahod ngunit hindi maaring palitan ang pagbibigay ng sahod ng board and lodging. Ito ay dahil ang board ang lodging ay kumakatawan bilang karagdagang benepisyo sa sahod at hindi bilang kapalit ng sahod.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga dapat malaman ukol sa Allergic Rhinitis?

Gabay sa Pagboto para sa mga Registered Voters sa North Italy, inilathala ng PCG Milan