in

Bonus € 80, paano matatanggap ng mga colf?

Matatanggap lamang ng mga colf ang nabanggit na bonus sa pamamagitan ng paggawa ng dichiarazione dei redditi.

Palapit na ng palapit ang panahon ng paggawa ng dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng modello 730/2018 na inaprubahan na ng Agenzia dell’Entrate. Mas kilala sa tawag na income tax return, ito ay kinakailangan sa pagbabayad ng buwis, at para rin sa pagtaggap ng tax refund kung sakaling dapat itong matanggap ng tax payer.

Tandaan na mahalagang ang kontrata sa trabaho ay regular dahil ang mga regular lamang ang makakatanggap ng mga benepisyong ibinibigay nito.

Sa domestic job, halimbawa, mahalagang tandaan na ang employer ay hindi withholding tax agent o sostituto d’imposta at samakatwid ay hindi nito binabayaran ang mga buwis ng colf at hindi rin gagawin nito ang anumang tax refund. Obligado lamang magbayad ng social security contributions o bollettini Inps ang employer ng colf para sa pension, maternity at sickness allowance at unemployment benefit kung sakaling mawawalan ng trabaho.

Paano matatanggap ng mga colf ang bonus Renzi na € 80?

Tulad ng nabanggit, ang employer ay hindi tumatayong withholding tax agent at dahil dito matatanggap lamang ng mga colf ang nabanggit na bonus sa pamamagitan ng paggawa ng dichiarazione dei redditi. Ito ay matatanggap sa susunod na taon matapos gawin ang dichiarazione at isang beses lamang sa halip na buwan buwan.

Ang benepisyo, tulad ng makikita sa tawag dito, ay buhat sa administrasyong Renzi, artikulo 1 ng Decree 66/2014, kung saan kinikilala ang € 80 bilang credit sa mga empleyado, kung ang gross tax ay mas mataas kaysa sa nakalaang deduction.

Partikular, sa Circular ng Agenzia dell’Entrate n. 8/E 2014, ay ipinaliwanag mismo na kung ang tax payer ay mayroong gross tax rate na mas mababa kaysa sa mga deduction ay walang karapatan sa bonus Renzi ngunit kung ang gross tax ay naging 0 balance dahil sa mga deduction, halimbawa dahil sa mga anak na menor de edad ay may karapatang matanggap ang bonus.

Paano kinakalkula ang bonus para sa mga colf:

Ang € 80 bonus para sa mga colf, babysitters, caregivers at lahat ng domestic job, na may kabuuang sahod mula € 8,000 hanggang € 24,600, ang halaga ng bonus ay € 80 euros kada buwan o € 960 sa isang taon kung ang trabaho ay nagtagal ng isang taon o 12 buwan.

Mula Jan 1, dahil sa inaprubahang legge di bilancio 2018, ay ipatutupad ang karagdagang parameters sa sahod ng bonus; mula € 24,601 hanggang € 26,600. Samakatwid kung ang sahod ay mas mataas sa €24,601 hanggang € 26,000 ang colf ay nananatiling may karapatang matanggap ang bonus sa mas mababang halaga. 

Tandaan kung ang colf, sa paggawa ng dichiarazione dei redditi ay dapat magbayad ng buwis, ito ay kakaltasin sa dapat na matatanggap na bonus o mula sa € 960 sa isang taon (katumbas ng € 80 kada buwan). Sakaling sobra ang halaga ng bonus, ang nalalabi sa halagang ito ay maaari pa ring matanggap mula sa estado.

PGA

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nais magpunta sa Europa? Narito kung paano at kung anu-ano ang mga requirements

Family Reunification para sa kapatid ng naturalized italian citizen, narito kung paano