Ang bonus colf e badante ay sinimulan ang aplikasyon online noong nakaraang May 25, 2020. Ito ay ayuda ng € 500 kada buwan, Abril at Mayo na napapaloob sa DL Rilancio na naglaan ng 460 million euros para sa domestic sector bilang tulong pinansyal sa sektor na higit na naapektuhan ng emerhensya.
Walang itinakdang petsa ng deadline ang nabanggit na bonus at maaaring mag-aplay hanggang may natitira pang pondong inilaan para dito.
Tulad ng inilathala kamakailan ng akoaypilipino.eu, may pagkakataon pa para sa mga kwalipikado na hindi pa nakakapag-aplay at huwag ng mag-atubili pa.
Paano? Simple lamang! Sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ang SPID, PIN, CIE o CNS. Maaari ring lumapit sa patronato.
Sinu-sino ang makakatanggap ng bonus colf e badanti
Ang bonus ay para sa mga colf at badante na sa petsa ng Feb. 23, 2020 ay may isa o higit na employment contract na regular at naka-denuncia sa Inps, na higit sa 10 oras kada linggo ang trabaho at hindi live-in o stay-in.
Ang ayuda ay hindi matatanggap sa kasong ang colf/badante ay:
- tumatanggap na ng pensyon (maliban na lamang kung invalidità);
- tumatanggap ng tulong pinansyal na napapaloob sa Decreto Cura Italia;
- ang employment contract ay hindi lavoro domestico;
- Reddito di Emergenza;
- kung tumatanggap ng ibang tulong (o isa sa miyembro nito) mula sa gobyerno tulad ng Reddito di Cittadinanza (maliban na lamang kung ang natatanggap ay mas mababa sa € 500. Sa kasong ito, ay ibibigay na lamang sa colf ang karagdagang halaga upang umabot sa € 500 kada buna). (PGA)