in

Bonus Natale, paano matatanggap ng mga colf at caregivers?

Ang Bonus Natale na nagkakahalaga ng €100 ay nakalaan rin sa mga colf at caregivers. Narito kung paano ito matatanggap sa domestic job.

Ang Bonus Natale ay maaari ring i-aplay ng mga workers na ang employer ay hindi withholding agent (o hindi nakakagawa ng tax deductions sa mga ibinabayad na sahod.), samakatwid pati ng mga colf at caregivers.

Kaugnay nito, sa Circular 19/2024 ang Agenzia delle Entrate ay opisyal na isinama ang mga domestic workers sa mga makatatanggap ng bonus na €100. Ito ay nagbibigay tugon sa katanungan ng mga domestic workers. Gayunpaman, ang mga colf at caregivers ay makakatanggap ng benepisyo sa susunod na dichiarazione dei redditi o declaration of income 2025, na tumutukoy sa sahod na tinanggap sa taong 2024. Dahil dito, sila ay maghihintay ng isang taon bago makuha ang bonus. Samantala, para sa mga self-employed ay walang bonus natale.

Gayunpaman, tandaan na ang mga employer sa domestic job ay hindi magbibigay ng €100 bonus. Ang mga colf at caregivers mismo ang kailangang mag-verify kung kwalipikado sila sa bonus sa tulong ng kanilang CAF, kung saan sila nagtitiwala sa paggawa ng dichiarazione dei redditi.

Bonus Natale, ang mga requirements

Tulad ng tawag dito, ang bonus ay tumutukoy sa isang benepisyo na ibibigay kasabay ng 13th month pay sa panahon ng Kapaskuhan, para sa ibang mga workers.  Hindi mahalaga kung ang employment contract ay ‘determinato’ o ‘indeterminato’, dahil sa parehong nabanggit ay matatanggap ang bonus. Kahit ang mga may employment contract na part-time o hindi full time ay makakatanggap din ng bonus natale.

Siguraduhin lamang ang pagkakaroon ng mga requirements tulad ng:

  • Yearly income na hindi hihigit sa €28,000;
  • Hindi hiwalay sa asawa at may isa o higit na anak na parehong ‘a carico’ o atleast isang anak na ‘a carico’;
  • Capienza fiscale. Ito ay nangangahulugan na ang isang tao o entity ay sapat na mataas ang kabuuang buwis (halimbawa, sa kita) para maibawas mula dito ang mga detrazioni (tax deductions) o kredito. Sa madaling salita, kung may capienza fiscale, ang isang worker ay may buwis na dapat bayaran, at ang mga tax benefits ay maaaring gamitin para bawasan ang halagang iyon. Ang kawalan ng capienza fiscale (halimbawa, mababa o walang buwis na dapat bayaran) ay dahilan upang hindi matanggap ang bonus natale.

Source: Agenzia dell’Entrate

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.8]

Decreto Flussi: Narito ang mga Pangunahing Pagbabago

Tessera Sanitaria, balido ba sa ibang bansa sa Europa?