Ang bonus nido ay tumutukoy sa reimbursement para sa mga ginastos ng mga pamilya para sa asilo nido o nursery o bilang pambayad sa taong tumulong sa pag-aalaga sa bahay, sa kasong ang anak ay hindi nakapasok sa nursery (dahil sa kalusugan na pinatutunayan ng pediatrician).
Para sa taong 2023, inaasahang lalabas sa lalong madaling panahon ang mga indikasyon ng INPS, kung saan nasasad ang mga nasa ibaba.
Sino ang mga tatanggap ng bonus nido?
Maaaring makatanggap din ng bonus nido ang mga dayuhang mayroong anumang uri ng permesso di soggiorno, at samakatwid, HINDI lamang permesso EU per lungo soggiornanti.
Ang aplikasyon ay dapat isumite ng magulang na nagbabayad ng asilo nido. Para naman sa reimbursement, ay requirement ang magkasamang paninirahan sa iisang bahay ng menor de edad at ng magulang na aplikante.
Paano itinatalaga ang halaga ng bonus nido?
Ang halaga ng bonus ay itinatalaga batay sa ISEE minorenni, ang indicator na karaniwang ginagamit bilang sanggunian para sa mga serbisyong nagkalaan sa mga menor de edad na anak ng mga magulang na hindi kasal at hindi nagsasama. Isinasaalang-alang sa ISEE minorenni ang kondisyon ng magulang na hindi kasal at hindi nagsasama, upang malaman kung ito ay nakakaapekto o hindi sa ISEE ng pamilya ng menor de edad.
Magkano ang matatanggap na bonus nido?
Narito ang halaga ng bonus nido 2022 na naghihintay ng update o kumpirmasyon para sa taong 2023
- €3,000 taunang badyet para sa ISEE minorenni na katumbas ng o mas mababa sa €25,000, maximum na buwanang halaga €272.73 para sa 11 buwan
- €2,500 taunang badyet para sa ISEE minorenni sa pagitan ng €25,000 at €40,000, maximum na buwanang halaga €227.27 para sa 11 buwan;
- €1,500 taunang badyet para sa ISEE minorenni na higit sa €40,000, maximum na buwanang halaga €136.37 para sa 11 buwan. (ni: Atty. Federica Merlo)