in

Bukod sa ‘contributi’ ay kailangan ding bayaran ng employer sa Inps ang Cassa Colf, ano ito?

Ang domestic job ay nasasakop ng Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro o CCNL. Ayon dito, ang pagpapatala sa Cassa Colf ay isang obligasyon sa domestic job simula noong Marso 2015.

Ang Cassa Colf ay karagdagang insurance sa employer sa kaso ng aksidente ng colf at nagbibigay rin ng benepisyo sa worker tulad ng tulong pinansyal kung maa-admit sa ospital, refund ng mga medical expenses, free medical check-ups sa mga accredited clinics.

Bukod sa pagbabayad ng kontribusyon ng employer na obligasyong nasasaad sa CCNL ay kailangan ding bayaran ng employer ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cassa Colf.

Ito ay may parehong panahon ng pagbabayad tulad ng kontribusyon sa Inps o ang quarterly payment. Ngunit hindi awtomatikong isinasama  sa bollettini maliban na lamang kung magsasabi ang employer.

Ang halagang dapat bayaran ay € 0,03 kada oras ng trabaho. Ito ay babayaran ng employer at ang bahaging para sa worker na €0,01 ay maaari na lamang kunin ng employer sa susunod na sahod nito.

Upang matanggap ang mga karagdagang serbisyong nabanggit, ay kinakailangang umabot sa minimum na bayad ng € 25,00 sa isang taon ng kontribusyon sa Cassa Colf. Upang umabot sa nasabing halaga ay maaaring magbayad ng ‘quota integrativa’ o additional amount sa 0,03.

Ang CCNL, pinirmahan ng DOMINA, FIDALDO para sa mga employers at ng FILCAMS CGIL, FISASCAT CISL, UILTUCS at FEDERCOLF ay ang batayan sa employment contract na ipinatutupad sa lahat ng mga workers, kabilang ang mga dayuhan na colf na tinatayang halos 700,000 sa bansa.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Contributi colf, maaaring bayaran ng mga employer sa pamamagitan ng Sisal pay

Hindi nagbayad ng kontribusyon ang aking employer, nanganganib ba ang aking permit to stay?