in

Care Giver: Paano mag kwenta ng over time?

Magandang umaga po, ako ay isang Pilipina, nagsisilbi bilang isang care giver (badante) sa isang matanda. Ang kontrato ko ay nagsasaad ng 26 hrs per week. Hindi ako nakapisan sa aking amo ngunit nagiging madalas ang paghingi nya sa akin ng karagdagan oras ng trabaho o over time. Paano po ang pag kalkola ng aking magiging sahod?

Nararapat ang karagdagang kabayaran sa labis na oras ng iyong paglilingkod bukod sa oras na nakalahad sa iyong kontrata.

Nasasad sa batas, tinatawag na over time ang dagdag na oras sa loob ng isang linngo o isang buwan ang labis na oras ng paglilingkod bukod sa oras na nakasaad sa pinirmahang kontrato. Pwera na lamang kung ito’y isang kolektibong kontrato, maaaring mapagkasunduan na ang ‘over time’ ay  pagbawi ng mga oras na napagkasunduan. Sa ganitong kaso, di ito matatawag na over time.

Ang kolektibong kontrato ay nagsasaad ng 10 oras na hindi tuloy tuloy na trabaho sa loob ng isang araw, kung ang nagtatrabaho ay naka pisan sa amo at ito ay umaabot ng 54 oras sa loob ng isang linggo. Samantala, kung hindi naman naka pisan sa amo ang trabahador, umaabot ng 8 oras na di tuloy tuloy at may tutal na 40 oras sa isang linggo na pwedeng gawing 5 hanggang 6 na araw.

Ang amo ay nararapat na magbigay ng isang araw na abiso kung ikaw ay hihingan ng over time sa araw man o sa gabi, dahil kung ikaw ay may check up sa doktor, isang halimbawa, ikaw ay may karapatang hindi pumasok ng araw na iyon.

Ngunit kung ang amo ay humingi ng over time dahil sya ay may lagnat o karamdaman, o sa mga kadahilanang di maiiwasan, ang over time sa araw man o sa gabi ay tinuturing na normal sa tipo ng iyong trabaho at tamang bigyan ka lamang ng mas mahabang oras o araw ng pahinga.

Dapat sabihin sa mga part timer bilang ‘badante’, ang lahat ng over time, kung papasok sa  40 oras per week, ay babayaran bilang ordinaryong oras ng trabaho. Samantala, sa kolektibong kontrata, ang mga di naka pisan sa amo na lalampas mula 40 hanggang 44 na oras per week, na nagtrabaho mula alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi, nararapat ang 10% na dagdag sa sweldo.

Ang over time ay dapat bayaran at may karagdagang sahod ito  dipende sa iba’t ibang kaso:

–         dagdag na 25% kung ang trabaho ay mula alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.

–         dagdag na 50% kung mula alas 10 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga.

–         dagdag na 60% kung lingo at holidays (jan 1 & 6; lunes after ng Pasko ng Pagkabuhay,  apr 25, may 1, june 2, aug 15, nov 1, dec 8, dec 25 & 26)

Sa iyong kalagayan, kung ang iyong trabaho ay 26 na oras per week at ikaw ay binabayaran ng 7,00 per hour at ang iyong amo ay humihingi ng 36 hrs., ang 10 karagdagang oras ay kinikilalang ordinaryo lamang, bali, 7,00 X 36 = 252.

Ngunit kung sa 1 linggo ay 45 hrs ang iyong trabaho, ang 40 hrs ay babayarang bilang ordinario lamang at ang 4 ay may dagdag na 10% at ang 1 oras ay may dagdag na 25%. Bali

7,00 X 40 = 280

7,00 X 10% = 0,7 X 4 = 30,80

7,00 X 25 % = 8.75 X 1 = 8.75

Bali may sumatutal na 289,30 and sahod sa isang linggo

Ito ay kalkolasyon kung ang overtime ay bihira lamang.

Ngunit kung ang over time ay palagi na lamang nagyayari, dapat lamang na ayusin at palitan ang kasalukuyang kontrato at ipaabot sa ‘Inps’ ang mga pagbabagong ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino – ika-anim sa pinaka malaking popolasyon sa Italya

PEKENG REGULARIZATION, patuloy ang panghuhuli sa Roma