in

Caregiver, kailangan bang gising sa hatinggabi?

Una sa lahat ay kailangang alamin ang uri ng kontrata at ang nilalaman nito upang malaman kung anu-ano ang mga tungkulin sa trabaho ng caregiver, partikular sa gabi.

Mayroong posibleng tatlong uri ng kontrata sa Italya kung saan nasasaad ang pagkakaroon ng night shift ng caregiver sa bahay ng taong inaalagaan: 

  • Kontrata ng live-in na Caregiver na BS (for autonomous person), CS (non-trained for non-autonomous person), DS (trained for non-autonomous person);
  • Kontrata para sa presensya lamang sa gabi;
  • Kontrata para sa night assistance.

Ang mga kontrata ng live-in ay nagsasaad ng 54 hrs na trabaho kada linggo, na may maximum na 10 oras na trabaho bawat araw; ang mga oras na ito ay pang-araw, at samakatwid ay mula 6:00am hanggang 10:00pm. Samakatwid, kung kinakailangan ang serbisyo sa gabi ng inaalagaan, ito ay hindi ito nasasaad sa kontrata. Ngunit kung ang taong inaalagaan ay mangangailangan ng kaunting tulong sa gabi, ang live-in caregiver ay magbibigay serbisyo pa din. Malinaw na ito ay extrang trabaho sa gabi at samakatwid tulad ng nasasaad sa regulasyon ay kailangang bayaran bilang overtime na may karagdagang sahod bilang ‘straordinario notturno’, katumbas ng 50%.

Pareho ang paliwanag sa kontrata para sa presensya lamang sa gabi. Sa kasong ito, nasasaad lamang sa kontrata ang presensya ng caregiver sa gabi na malayang makakatulog din. Kung kakailangan ng serbisyo sa gabi ng inaalagaan, ito ay hindi nasasaad sa kontrata at anumang serbisyo ng caregiver ay ituturing na overtime

Iba ang sitwasyon sa huling nabanggit o ang kontrata para sa night assistance. Dito ay nasasaad ang pananatiling gising at ang pagbibigay serbisyo ng caregiver sa gabi tuwing kakailanganin ng inaalagaan. Samakatwid, ang caregiver ay kailangang gising sa gabi at bumangon nang hindi dapat bayaran ng overtime. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Assegno Unico, extended ang aplikasyon

Mga Pinoy, lumahok sa Maratona di Roma 2021