Ako ay mayroong EC long term residence permit na inisyu sa Greece. Nais ko sanang manatili at magtrabaho sa Italya. Ano po ang aking dapat gawin?
Sa Directive 2003/109/EC ay kinikilala ang pagkakaroon ng tunay na european status ng mga non-EU nationals dahil sa regular at tuluy-tuloy ng limang taon na paninirahan sa isang bansa ng EU. Gayunpaman, bawat European State, sa pagpapatupad ng Direktiba ay nagtalaga ng mga kundisyon at iba’t ibang pamamaraan, na isinasaalang-alang ang prinsipyo ng pantay na pagpapatupad sa buong Europa, kahit pa saang bansa residente sa Europa.
Ang pagkilala sa european status ng mga mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno ay balido sa lahat ng bansa ng EU maliban sa Denmark, United Kingdom at Ireland.
Sa Switzerland, Iceland, Norway at Liechenstein, mga non-EU countries, kahit na may free movement sa loob ng 90 araw kung mayroong permit to stay, ay hindi maaaring ipatupad ang Direktiba at samakatwid ay hindi maaaring manatili dito ng higit sa 3 buwan.
Bawat non-EU national na mayroong carta di soggiorno, ay mayroong free movement ng higit sa 90 araw sa Europa. Ngunit kung nais manatili sa isa sa mga bansa nito, ay kailangang alamin muna kung anu-ano ang mga ‘internal regulations’ ng napiling bansa. Para sa higit na impormasyon ukol sa pananatili sa isang EU member state, ay ipinapayong makipag-ugnayan sa Foreign Office, Konsulado/Embahada o bisitahin ang mga institutional websites ng country of destination.
Sa anumang kaso, ang carta di soggiorno ay maaaring i-convert sa permesso di soggiorno, studio, lavoro at iba pa sa pamamaraang itinalaga nito.
Paano ito ipinatutupad sa Italya
Sa Italya, batay sa art. 9bis ng D.Lgs. 286/98 ay nasasaad na ang non-EU national na mayroong carta di soggiorno na inisyu sa ibang Member State ay maaaring manatili sa Italya ng higit sa 90 araw upang:
- Magtrabaho bilang subordinate worker o self employed batay sa kundisyong nasasaad sa batas
- Kumuha ng formation courses
Para maging subordinate o self-employed worker ay kakailanganin ang isang awtorisasyon buhat sa Sportello Unico o ang tinatawag na ‘nulla osta’. Ngunit ang nulla osta na tinutukoy dito ay batay lamang sa pagkakaroon ng decreto flussi na inilalabas ng Gobyerno kung saan itinatakda ang angkop na bilang ng mga permesso di soggiorno per lavoro na maaaring ibigay sa mga mayroong carta di soggiorno buhat sa ibang bansa sa Europa.
Sa kasalukuyang decreto flussi 2017 ay pinahihintulutan ang conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU member state sa subordinate job o lavoro subordinato (500) at sa self-employment o lavoro autonomo (100).
Ito ay sa pamamagitan ng mga forms na matatagpuan sa website ng Ministry of Interior:
- Modello LS para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- Modello LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta per lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit;
- Modello LS2 para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa lavoro autonomo;
Maaari rin namang manatili sa Italya, hailmbawa sa pag-aaral (o formation courses) at iba pang dahilan ang mga EC long term residence permit holder mula sa ibang bansa ng EU kung mapapatunayan ang pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal o ang doble ng minimum amount na itinalaga sa exemption sa health expenses at isang health insurance.
Ang carta di soggiorno holder, matapos gawin at sundin ang hinihinging pamamaraan sa pag-aaral o sa pagta-trabaho, ay kailangang mag-aplay para sa angkop na permit to stay. Para sa trabaho, matapos magkaroon ng nulla osta mula sa Sportello Unico, ay bibigyan ng isang form na dapat sagutan at ipadala sa Questura sa pamamagitan ng mga Sportello Amico ng mga post offices. Sa iba pang mga kaso ay kakailanganin ang ‘kit postale’ at ipadala sa mga post offices.
Kahit na ang miyembro ng pamilya ng carta di soggiorno holder na inisyu sa ibang EU country ay maaari ring manirahan sa Italya at mag-aplay ng permesso di soggiorno per motivi familiari. Ito ay kung, bago ang paglipat, ay nanirahang kasama ang carta di soggiorno holder at kung nagtataglay ng mga kundisyong nasasaad sa art. 29 ng D.Lgs. 268/98 ukol sa family reunification (relasyon, sahod at angkop na tahanan). Para sa ganitong uri ng permit to stay ay kailangang magtungo sa Questura kasama ang carta di soggiorno holder.
Matapos suriin ng Questura ang aplikasyon ay ibibigay ang renewable temporary permit to stay nang hindi kukunin ang carta di soggiorno buhat sa ibang bansa na hawak at ipagbibigay-alam ito sa Immigration Department ng Ministry of Interior.
Ang non-EU national, sa pagkakaroon ng permit to stay, ay mananatili ang status sa bansang pinanggalingan sa Europa hanggang sa magpasyang magkaroon ng EC long term residence permit sa ikalawang member state.
Sa katunayan, kapag ang permit to stay holder ay nagkaroon ng sapat na requirements para sa carta di soggiorno batay sa Art. 9 ng D. Lgs. 286/98) ay maaaring magkaroon din sa Italya ng carta di soggiorno at ito ipagbibigay-alam naman sa Member State na unang nag-isyu ng long term residence permit.
ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
Basahin rin:
Mga dapat malaman ukol Decreto Flussi 2017