in

Carta di soggiorno, kailan pinawawalang bisa??

Magandang umaga po. Ako ay isang EC long term residence permit o carta di soggiorno holder simula 2009. Kailangan ko pong i-update ang dokumento ngunit ako po ay nag-aalala dahil hindi po naging regular ang aking trabaho nitong nakaraang taon at ang aking sinahod ay higit na mas mababa kumpara noong panahong nag-aplay ako nito. Nanganganib po bang mapawalang bisa ang aking carta di soggiorno?

Marso 2, 2015 – Ang pagpapawalang bisa o pagbawi sa ex carta di soggiorno ay nasasaad sa artikulo 9 ng Batas sa Imigrasyon sa ilang piling kaso lamang. Dahil dito, ang kawalan ng sapat na sahod ay hindi sapat na dahilan upang pawalang bisa ang nabanggit na dokumento.

Ang konseptong ito ay kinumpirma rin sa hatol bilang 02124/2014 Milan Regional Administrative Court kung saan malinaw na nahahayag na ang pagpapawalang-bisa sa isang EC long term residence permit bukod sa mga dahilang itinakda ng batas ay isang paglabag sa transposition law ng Europa, na nasasaad sa art. 9 ng legislative decree  286/98.

Ang pagpapawalang bisa ng nabanggit na dokumento ay nasasaad sa art. 9 talata 7 ng legislative decree sa mga sumusunod na kaso:

–    kung nagkaroon ng carta di soggiorno dahil sa panlilinlang;
–    kung ang may-ari ng dokumento ay isang banta sa kaayusan at kapayapaan ng bansa (art 9, talata 4 ng legislative decree 286/98);
–    kung ang may-ari ng carta di soggiorno ay lalabas ng EU territories ng sunud-sunod na 12 buwan;
–    kung ang may-ari ng carta di soggiorno ay pagkakalooban ng EC long term residence permit sa ibang EU member state;
–    kung ang may-ari ng carta di soggiorno ay mabibigyan ng order of expulsion ngunit hindi ito maaaring maipatupad dahil sa mga dahilang nasasaad sa batas, ay pawawalang bisa ang carta di soggiorno at ibibigay ang permit to stay alinsunod sa mga regulasyon (sa kaso ng expulsion, na tinutukoy sa talata 9 ng Art. 9 ng legislative decree n. 286/98)

Sa hatol ay kinukumpirma na ang EC long term residence permit holder ay itinuturing bilang mga permanent residents sa bansa at sa kasong mapatunayan ang isa sa mga kasong nabanggit sa itaas lamang mapapawalang-bisa ang nabanggit na dokumento.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA HALITOSIS

The “PROM2”- CUPIDS AND COCKTAILS