in

Carta di Soggiorno – Limang taong residenza para rin sa mga miyembro ng pamilya

Ang European Union Court of Justice ay tinaggihan ang ibinigay na interpretasyon ng ilang korte  sa Italya. “Ang requirements ng regular at tuluy-tuloy na paninirahan ay para sa lahat”.

Roma – Hulyo 28, 2014 – Ang limang taon ng regular na paninirahan ay isang mahalagang requirements upang magkaroon ng EC long term residence permit o ng kilalang carta di soggiorno. Gayun din para sa mga miyembro ng pamilya ng dayuhang nagtataglay ng ganitong uri ng dokumento.

Ukol dito, isang hatol kamakailan ang inilabas ng EU Court of Justice kung saan tinatanggihan ang maluwag na interpretasyon ng ilang mga korte sa Italya.

Umabot na sa Luxembourg ang kaso ni Gng. Tahir, isang Pakistan origin na dumating sa bansang Italya ng taong 2010 sa pamamagitan ng family reunification. Noong 2012 ay nag-aplay ito sa Questura di Verona ng carta di soggiorno, dahil ang kanyang asawa ay nagtataglay na ng ganitong uri ng dokumento.

Tinanggihan ng himpilan ang aplikasyon dahil ang Ginang ay dalawang taon pa lamang regular na naninirahan sa Italya. Ang Ginang ay sumangguni sa korte ng Verona, na siya namang humingi ng paglilinaw mula sa Court of Justice.

Ang artikulo 9, talata 1 ng Batas Pambansa bilang 286/98, na ipinatutupad sa pamamagitan ng Directive 2003/190/EC ay nagsasaad na “ang dayuhan na residente sa bansa ng hindi bababa sa limang taon, nagtataglay ng balidong permit to stay ay maaaring mag-aplay para sa EC long term residence permit, para sa kanya at sa mga miyembro ng kanyang pamilya”.

Ngunit ang mga miyembro ng pamilyang nabanggit ay dapat bang regular na residente din ng hindi  bababa sa limang taon? Hindi malinaw ang batas ukol dito, ngunit ayon sa hukuman ng Verona at ilang hukom ay sinagot ito ng HINDI. Ang bansang Italya ay maaaring ipatupad ang probisyon ng Europa at ang i-exempt ang mga miyembro ng pamilya sa requirement na ito.  

Gayunpaman, sa Luxembourg, ay iba ang naging kasagutan. “Wala sa anumang bahagi ng Directive 2003/190/EC – paliwanag sa isang komunikasyon buhat sa Court of Justiceang nagpapahintulot na malibre ang miyembro ng pamilya ng dayuhang carta di soggiorno holders sa kundisyon regular at limang taong tuluy-tuloy na pagiging residente sa Italya”.

Kung nais ng Italya, dagdag pa ng Korte, ay maaaring maglabas ito sa mga miyembro ng pamilya ng hindi hihingin ang nabanggit na requirement. Ngunit ang ganitong uri ng dokumento ay hindi kumakatawan bilang EU document batay sa Directive at samakatwid ay hindi nagbibigay ng karapatan ng paninirahan sa ibang Member State ng EU.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Populasyon ng Pilipinas umabot na sa 100 milyon

Benigno S. Aquino III, fifth State of the Nation Address