Magandang umaga, ang aking kaibigan buhat sa France ay mayroong EC long term residence permit. Sa ngayon sya ay nasa Italya at nais magtrabaho dito. Ano po ang pwede nyang gawin?
Ang dayuhan na nagtataglay ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno na inisyu ng isang Member State, ay maaaring magtrabaho sa ibang bansa ng Europa.
Ito ay itinalaga ng European Directive n. 2003/109/CE at ipinatutupad sa Italya sa pamamagitan ng D.Lgs. n. 3 ng 2007.
Gayunpaman, dapat na isaalang-alang na ang Directive ay nagbibigay ng pagkakataon, sa limitadong bilang ng mga dayuhan na mayroong EC long term residence permit na inisyu ng ibang State members, ang magtrabaho o ang magbukas ng negosyo bilang entrepreneur sa Italya.
Ang limitasyong ito, nasasaad sa Artikulo 9bis ng Immigration law, ay naaayon din sa yearly quota na ginagawa ng Gobyerno sa pamamagitan ng Decreto flussi, kung saan nagtatalaga ng bilang ng mga workers na papasok ng Italya para magtrabaho (c.d. decreto flussi).
Procedure
Sa katunayan, sa Decreto Flussi 2019 ay nagpapahintulot sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato sa Italya upang regular na makapag-trabaho. Ang aplikasyon ay gagawin online sa pamamagitan ng website g Ministry of Interior.
Ang access sa website ng Ministry of Interior ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng SPID ID. Pagkatapos ay i-click ang “Sportello Unico Immigrazione“, pagkatapos ay “Richiesta moduli”.
Gamit ang modulo Modello LS ay pinahihintulutan ang conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato sa Italya.
Sa modulo LS kay nasusulat ang datas ng worker at ng employer (gayun din ang number ng carta di soggiorno at ang petsa ng pagpasok sa Italya), ang uri ng trabaho at antas ng kontrata. Ang employer, ay mangangako ring sasagutin ang anumang gastusin sa pagpapabalik sa worker sa sariling bansa sa kaso ng expulsion gayun din, na gagawin ang anumang komunikasyon sa mga pagbabago ukol sa kontrata at trabaho.
Ang aplikasyon, pagkatapos, ay ipapadala naman sa Sportello Unico per l’Immigrazione na magsusuri sa mga ito kung walang anumang hadlang, tatawagan ang employer at worker para sa issuance ng working permit (nulla osta), at ibibigay sa worker ang mga form para sa request ng first issuance ng permit to stay.
Tulad ng nababanggit sa isang Circular ng Ministry of Interior (Peb 16, 2012) ay ibibigay ng awtoridad ang isang ordinaryong permit to stay sa dayuhan, batay sa uri ng trabaho.
Isang komunikasyon ang ipapadala rin sa Member State na nag-isyu ng EC long term residence permit ukol sa pag-iisyu ng isang ordinaryong permit to stay ng Italya.