Ang carta famiglia ay ang bagong bonus famiglie numerose at nakalaan sa lahat ng pamilyang residente sa bansa.
Ang carta famiglia 2018 ay ang bagong bonus famiglie numerose at nakalaan sa mga pamilyang mayroong mula tatlong anak na menor de edad at ang halaga ng ISEE 2018 ay hindi hihigit sa € 30,000.
Ayon sa DM 20/09/2017 ng Ministry of Labor, ang bagong benepisyo ay tumutukoy sa isang discount card para sa mga pamilyang mayroong tatlong anak na menor de edad, matapos ang pagsusumite ng angkop na form sa Comune na kinasasakupan, ng modello ISEE at ng pagbabayad ng issuance ng electronic card.
Ang carta famiglia ay hindi isang prepaid card kung saan matatanggap ang allowance o assegno ngunit isang card na nagpapahintulot na makatanggap ng discount sa pamimili o pagtanggap ng serbisyo. Ito ay nagpapahintulot sa pamilya at sa bawat miyembro nito ng pagkakaroon ng discount sa mga subscription ng pamilya tulad ng sa public transportation at iba’t iba pang diskwento sa mga pribado at publikong serbisyo na kalahok sa inisyatiba at ang maging bahagi ng GAS (gruppi do acquisto solidale) at GAF (gruppi di acquisto familiare)
Ito ay balido ng dalawang taon at kailangang ipakita sa shop o anumang publiko o pribadong istruktura na kumikilala o kalahok sa inisyatiba, lakip ang balidong ID.
Ang mga shops na mayroong sticker na “Amico di famiglia” ay nagbibigay ng mula 5% na discount. Samantala, ang mga mayroong sticker na “Sostenitori della famiglia” ay nagbibigay ng mula 20%. Matatagpuan sa website ng Ministry of Labor ang mga lumahok sa inisyatiba.
Tulad ng nasasaad sa implementing rules ng Ministry of Labor na inilathala sa Official Gazette noong Jan 9, 2018, maaaring magkaroon nito ang lahat ng pamilya: Italians, Europeans at non-Europeans na regular na residente sa Italya.