Sa pamamagitan ng komunikasyon 1958 ng May 26, 2023, ay inilathala ng INPS sa official website nito ang mga dapat malaman ukol sa Carta Risparmio 2023, matapos pirmahan ng Ministry of Agriculture and Finance ang implementing decree.
Sino ang makakatanggap ng Carta Risparmio 2023?
Ang mga makakatanggap ng Carta Risparmio 2023 ay inaasahang limitado lamang dahil ang mga requirements ay itinuturing na mahigpit.
Narito ang dalawang pangunahing requirements:
- Ang pagkakarehistro ng lahat ng miyembro ng pamilya sa Anagrafe bilang residente;
- Ang ISEE (Equivalent Economic Situation Indicator) ay katumbas o mas mababa sa €15,000.
Ang Carta Risparmio 2023 ay katulad ng dating ‘buoni spesa’ mula Comune, noong panahon ng pandemic. Ito ay hindi nangangailangan ng anumang aplikasyon at ito ay magsisimula sa July 2023.
Ano ang halaga ng Carta Risparmio 2023?
Ang halaga ng Carta Risparmio ay € 382.00 bawat pamilya at ito ay matatanggap isang beses lamang. Ang Comune kung saan residente ang magbibigay komunikasyon ukol sa pagiging benepisyaryo, pati ang paraan kung paano ito matatanggap mula sa post office.
Matatanggap ng mga Comune direkta mula sa INPS (hanggang Hunyo 11, 2023) ang mga datos ng ISEE ng mga pamilyang pasok sa programa.
Ang mga pamilya na binubuo ng hindi bababa sa tatlong miyembro (lalo na ang may mga anak na ipinanganak sa pagitan ng 2005 at 2009), may mas mababang ISEE at nasa sitwasyon ng pangangailangan na ini-report ng mga local social service, ay bibigyan ng priyoridad sa ‘graduatoria’. Pagkatapos nito, ang matitira sa budget, ay ibibigay naman sa mga one-member family.
Sino ang mga hindi makakatanggap ng Carta Risparmio 2023?
Hindi makakatanggap ng Carta Rispamio 2023 ang mga pamilya na may miyembro na tumatanggap ng:
- Reddito di Cittadinanza;
- Cassa Integrazione;
- NASPI o DISCOLL;
- Fondi di solidarietà per l’integrazione del reddito;
- Indennità di mobilità at anumang uri ng ayuda bilang karagdagan sa sahod mula sa gobyerno.
Carta Risparmio 2023 application online?
Mahalagang tandaan na hindi kailangang magsumite ng anumang aplikasyon. Ang prepaid card ay matatanggap mula sa Comune, sa paraang ipapahiwatig nito sa komunikasyon, kasama ang card number at itinalagang halaga nito.
Ang Carta Rispamrio ay may pangalan ng owner at ito ay aktibo mula sa July 2023, at magagamit para bumili ng mga prime necessities sa mga participating shops.
Ipinapayo, gayunpaman, ang tumutok sa official communication ng Comune at tumawag sa Servizi Sociali para sa inyong mga katanungan ukol sa Carta Risparmio 2023. (PGA)