in

CAS.SA.COLF, ano ito? Narito ang mga dapat malaman

Ang CAS.SA.COLF ay may layuning magbigay ng higit na socio-sanitary protection sa lahat ng mga miyembro nito – domestic workers at employers, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga angkop na serbisyo at mga benepisyo. 

Partikular, ang mga serbisyo ay nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan atseguridad, bilang supplemetary o additional sa mga public services.

May principle of mutualism ang non-profit CAS.SA.COLF (Cassa Sanitaria Colf). Ang halaga ng contractual contribution ay € 0.06 para sa bawat oras ng sahod ng worker, kung saan ang € 0.04 ay binabayaran ng employer at  0.02 ay binabayaran naman ng worker. Ang minimum na pamantayan para sa access sa mga serbisyo ay €25,00, na batay sa bagong regulasyon, ay maaaring magbayad ng supplementaty fees upang maabot ang nabanggit na minimum amount.

Para kanino ang CAS.SA.COLF?

Ang lahat ng mga workers at employers sa domestic job na regular sa pagbabayad ng mga kontribusyon, ayon sa CCNL Domestic Work, ay nakarehistro sa CAS.SA.COLF. Ang mga kontribusyon ay dapat bayaran nang buo at tuluy-tuloy, upang patuloy na pakinabangan ang mga serbisyo sa panahon ng trabaho.

Mayroong magkabukod na regulasyon para sa mga workers at mga employers na nagtatalaga sa mga benepisyo at serbisyo, mga tuntunin sa access sa mga benepisyo, ang halaga at hati ng kontribusyon, maximum amount ng reimbursement, panahon ng paghihintay para sa anumang request atbp. 

Lahat ay matatagpuan sa website ng CAS.SA.COLF

Anu-ano ang mga benepisyo na matatanggap ng mga workers mula sa CAS.SA.COLF?

  • Daily allowance sakaling ma-ospital at para sa recovery;
  • Health tickets;
  • Benepisyong ibinibigay para sa mga buntis na manggagawa;
  • Reimbursement ng mga gastusin sa panahon ng pagbubuntis, at operasyon ng mga sanggol ng mga rehistradong workers;
  • Orthopedic aid at physiotherapy treatment;
  • Reimbursement ng mga gastusin sa physiotherapy treatment;
  • Allowance for major operations in public facilities;
  • Funeral expenses;
  • psychological and psychotherapeutic services;
  • services affiliated with unisalute

Mandatory ba ang pagbabayad ng CAS.SA.COLF?

Oo, ang pagpaparehistro sa CAS.SA.COLF ay mandatory para sa lahat ng mga workers at mga employers sa domestic job, ayon sa CCNL. Mandatory ang bayaran ang kontribusyon na nabanggit sa itaas. 

Paano magbabayad ng kontribusyon sa CAS.SA.COLF?

Ang pagbabayad ng kontribusyon ng CAS.SA.COLF ay ginagawa ng employer quarterly sa INPS, ang National Institute of Social Security, ang ahensya na may kasunduan para sa koleksyon ng kontribusyon, sa loob ng itinkadang deadline ng kontribusyon sa social security.

Ang Cassa Colf ay walang responsabilidad sakaling ang employer ay hindi magbayad nang parsyal o nang buo na magtatanggal sa karapatan ng colf sa mga serbisyo. 

Sa ilang mga kaso at batay sa pagsusuri ng CAS.SA.COLF, ay pinapayagang maremedyuhan ang hindi pagbabayad ng kontribusyon o dagdagan ito sa pamamagitan ng pagtaas ng minimum rate per hour upang maabot ang itinalagang pamantayan upang magarantiya ang access sa mga benepisyo.

Paano suriin at hihingin ang mga benepisyo sa CAS.SA.COLF?

Ang request para sa mga serbisyo/benepisyo ay ipapadala sa pamamagitan ng area riservata MyCassacolf, electronic o ordinaryong mail, lakip ang mga kinakailangang dokumentasyon, at dapat ipadala ng colf sa loob ng 12 buwan matapos ang ‘sitwasyon’ na nagbibigay karapatan sa benepisyo mismo.

Ibinibigay ang reimbursement sa benepisyaryo sa pamamagitan lamang ng bank transfer o postal current account at hindi tinatanggap ang postal passbook.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

I’M A BALLER MILAN, pasok sa Final Four ng UISP Lombardia Lega Amatori Fase Gold

Required salary Ricongiungimento Familiare 2023 Ako Ay Pilipino

Required salary 2023 para sa Ricongiungimento Familiare