Ang Cassa di Integrazione o Work Layoff, ay isang tulong pinansyal simula sa buwan ng Marso kung kailan napilitang tumigil sa trabaho at manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga manggagawa at empleyado dahil sa emerhensyang hatid ng Covid19. Ito ay karaniwang katumbas ng 80% ng buwanang sahod at matatanggap matapos i-aplay ng employer.
Ang Reddito di Emergenza o REM, ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya na maaaring i-aplay hanggang June 30, 2020 at nagkakahalaga mula € 400 hanggang € 800, batay sa kabuuang sahod ng pamilya o reddito familiare.
Ang REM, ay hindi maaaring matanggap kung may miyembro ng pamilya na nag-aplay o tumatanggap ng:
- bonus ng € 600 na nasasaad sa DL Cura Italia para sa may partita Iva, free lancers at seasonal contract;
- bonus colf at badante;
- Pensyon maliban na lamang kung pensione di invalidità;
- May contratto di lavoro;
- Tumatanggap ng Reddito/Pensione di Cittadinanza.
Hindi nabanggit ang Cassa Integrazione, ngunit may ilang bagay na dapat isaalang-alang upang mabigyang tugon ang ating katanungan.
Maaaring matanggap ang dalawang uri ng tulong, Cassa Integrazione at Reddito di Emergenza sa mga sumusunod na kundisyon:
- Kung may miyembro ng pamilya na magtatapos o natapos na ang pagtanggap ng Cassa Integrazione, ay maaring mag-aplay ng REM.
- Ang kabuuang halaga ng Cassa Integrazione na matatanggap ng buong pamilya para sa buwan ng Abril 2020 na ay hindi dapat lalampas sa halaga ng REM.
Narito ang basehan.
- 1 adult: € 400
- 2 adults: € 560
- 2 adults + 1 minor: € 640
- 2 adults + 2 minors: € 720
- 3 adults + 1 minor: € 800
- 3 adults + 2 minors: € 800
- 3 adults (na may 1 invalid member) + 3 minors: € 840
Ito rin ang parehong pamantayan para sa mga tumatanggap ng Naspi o unemployment benefit: ang kabuuang halaga na matatanggap mula sa Naspi ng buong pamilya ay hindi dapat lalampas sa halaga ng REM.
Malinaw lamang na ang Reddito di Emergenza o REM, sa kabila ng compatibility nito o hindi sa Cassa Integrazione at Naspi, ito ay pangunahing inilalaan sa mga mamamayan at pamilya na walang natanggap na anumang tulong mula sa gobyerno sa panahon ng krisis. (PGA)