in

CE per soggiornanti lungo periodo, anu-ano ang requirements?

Ako po ay mayroong schedule ng italian language test para sa CE per soggiornanti lungo periodo? Ano po ito? Anu-ano po ang ibang requiremenst na dapat kung ihanda? 

 

Roma, Nobyembre 29, 2016 – Noong nakaraang January 8, 2007, ang carta di soggiorno para sa mga dayuhang residente ay pinalitan at tinawag na CE per soggiornanti lungo periodo o EC long term residence permit.

Ito ay isang uri ng dokumento na ‘indefinite’ o walang expiration date, ngunit maaari lamang hilingin ng sinumang nagtataglay ng permit to stay ng hindi bababa sa limang taon. Ang aplikasyon ay dapat isumite sa post office, gamit ang kit postale. Maaari ring lumapit sa mga authorized office o patronati na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan.

Simula Disyembre 9, 2010, ay sinumulan naman ang computerized system sa pagpapatupad sa Italian language test bilang requirement para sa mga nais mag-aplay ng EC long term residence permit. (Narito kung paano)

Sa aplikasyon o kit postale ay dapat ilakip ang mga sumusunod: 

  • kopya ng balidong pasaporte; 
  • kopya ng tax return na ang sahod ay hindi dapat mas mababa sa halaga ng assegno sociale (Narito ang kinakailangang sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno para sa taong 2016) para sa mga colf ay maaaring ipakita ang bollettini Inps o estratto contributivo buhat sa Inps.
  • judicial certified general record (certificato casellario) at certificate of pending charges (carichi pendenti)
  • Idoneità alloggiativa o certificate of housing suitability o ang sertipiko ng angkop na tirahan (Narito ang laki ng angkop na tahanan sa pag-aaplay ng EC long term residence permit
  • Certificato stato di famiglia storico 
  • Bolletino postale na nagkakahalaga ng € 30.46 (ang presyo ay bahagyang tumaas noong Abril 2016) para sa electronic document
  • Revenue stamp na nagkakahalaga ng € 16.00
  • Posta assicurata naman ay nagkakahalaga ng € 30;
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gabay sa Pagpili ng Iboboto

Sino ang exempted sa italian language test para sa carta di soggiorno?