in

Certificato di Residenza, saan at paano magkakaroon nito?

Ang certificato di residenza ay ang dokumento na nagpapatunay sa paninirahan ng isang tao sa isang partikular na Munisipyo o Comune at maaaring magkaroon nito sa iba’t ibang paraan: sa Ufficio Anagrafico ng Munisipyo/Comune, online, post office at ang pinakabagong paraan na inilunsad kamakailan, sa mga tabaccheria

Basahin din:

Ang dokumentong ito ay maaari ding hilingin ng ibang tao,  sa pagkakaroon ng sapat na awtorisasyon mula sa aplikante na nagpapahintulot dito, kung saan nasasaad ang pangalan, apelyido, petsa at lugar ng kapanganakan) at kopya ng balidong dokumento ng pagkakakilanlan ng authorized person at ng aplikante. 

Gayunpaman, ipinapaalala na sa ilang kaso (maliban para sa kasal at gamit sa labas ng bansa), ay sapat na ang autocertificazione o isang deklarasyon na nagtataglay ng pangalan at mahahalagang datos tulad ng home address at ang family composition. Ang taong gumagawa ng deklarasyon ay ang may pananagutan at responsabilidad ukol sa nilalaman ng deklarasyon at samakatwid  anumang mali, peke o hindi makatotohanang deklarasyon ay paparusahan ng batas.

Anagrafe: Kinakailangang magdala ng balidong ID, authorization letter, marca da bollo ng €16,00. Babayaran ang tinatawa na ‘diritti di copia’ na nagkakahalaga ng € 0,52 o € 0,26. 

Online: Maraming Comune, sa pamamagitan ng kanilang website, ay may posibilidad na mag-request at mag-download, nang walang bayad, ng certificato di residenza. Samakatwid, ay hindi na nangangailangan ng gastusin sa marca da bollo.

Posta: Maaaring magpadala ng richiesta o request ng sertipiko kahit sa pamamagitan ng registered mail with return card lakip ang downloadable form na matatagpuan sa website ng Comune, ang marca da bollo at isang envelope na mayroon ng stamp kung saan ilalagay ang sertipiko. Ang Ufficio Anagrafe ng Comune ang magpapadala sa address ng aplikante. 

Tabaccheria: Sa ilang Comune ay maaaring makapag-request ng certificato di residenza sa pamamagitan ng ilang tabaccheria, salamat sa kasunduan ng Comune at Associazione nazionale del tabaccaio. Kahit sa pagkakataong ito ay kakailanganin ang marca da bollo na €16,00. (ni Atty. Federica Merlo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sa Ria magpadala ka ng pera kung saan ito mahalaga sa iyo

Covid19 sa Europa

Covid19 sa Europa, tumaas sa 5 magkakasunod na linggo