Ayon sa batas, ang sinumang magpapa-upa o magpapatira ng dayuhan sa sariling tahanan ay kailangang gampanan ang obligasyong gawin ang komunikasyon nito sa awtoridad sa loob ng 48 oras.
Ang ‘comunicazione di ospitalità’ o ‘comunicazione di cessione fabbricato‘ ay nasasaad sa artikulo 7 ng Testo Unico sull’Immigrazione o ang decreto legislativo bilang 286 ng 1998.
Ang sinumang lalabag sa obligasyong ito ay maaaring multahan mula € 160,00 hanggang € 1.100,00 ayon sa talata 2 bis ng nasabing batas.
Bucked dito, ito ay kailangang gampanan kahit na ang panauhin ay isang kamag-anak o kahit mananatili lamang ng isang araw.
Ang may-ari ng bahay o nagpapa-upa nito na tatanggap sa panauhin ang gagawa ng report o deklarasyon kung saan kakailanganin ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, apelyido, araw at lugar ng kapanganakan at address, lakip ang balidong dokumento at ang dahilan ng paninirahan na maaaring bilang tenant o bilang panauhin o ospite.
Ang deklarasyon ay maaaring gawin ng personal sa tanggapan ng pulisya o Questura sa loob ng 48 oras.
Ito ay maaari ding ipadala sa koreo sa pamamagitan ng registered mail with return card.