Ako po ay isang Pilipina at ikinasal ako sa isang Italyano. Paano po ba ang proseso upang magkaroon ng Italian citizenship? Kailan ako maaaring mag-aplay?
Ang panahong nakalaan upang mag-aplay ng Italian citizenship matapos ikasal sa isang Italyano ay nag-iiba batay sa place of residency. Kung ang mag-asawa ay parehong residente sa Italya, ay dalawang taong residency matapos ang araw ng kasal ang panahong kinakailangan; kung residente naman sa labas ng Italya ay kailangan lumipas ang tatlong taon mula sa araw ng kasal. Kung mayroong anak o inampon ang mag-asawa, ang panahong itinakda ay nababawasan ng kalahati.
Pagsusumite ng aplikasyon
Ang aplikasyon ay isinusimite online sa pamamagitan ng website na inilaan ng Ministry of Interior: https://cittadinanza.dlci.interno.it., matapos ang magparehistro ay magkakaroon ng access sa e-form.
Una sa lahat ay siguraduhin ang pagkakaroon ng dokumento ng pagkakakilanlan, dokumentasyong buhat sa sariling bansa, tulad ng birth certificate at NBI clearance. Bukod sa mga nabanggit ay ilalakip din ang kopya ng marriage contract (o atto integrale di matrimonio), pasaporte at permit to stay. Ang mga ito ay kailangang i-scan at ilakip sa e-form.
Ang listahan ng mga dokumentong dapat ilakip sa aplikasyon ay matatagpuan rin sa website na inilaan ng Ministry of Interior. Kung ang mga dokumentong inilakip ay hindi sapat, ang tanggapan ay may karapatang humingi ng karagdagang dokumentasyon sa dayuhan sa loob ng itinakdang panahon. Kung ang dayuhan ay hindi sasagot sa panawagan, ang aplikasyon ay ituturing na negatibo.
Bukod dito, ay kailangang magbayad ng € 250,00 sa pamamagitan ng postal bill, bukod sa revenue stamp na nagkakahalaga ng € 16,00 na ilalakip sa aplikasyon.
Panahon ng proseso at ang dekreto
Ang panahong nakalaan sa buong proseso ay 48 weeks o apat na taon (mula 2 taon lamang) hatid ng Decreto Salvini at ito ay nagsisimula mula sa araw ng pagsusumite ng aplikasyon at ng lahat ng dokumentong kinakailangan.
Ang pagkakaroon ng italian citizenship ay sumasailalim sa isang panunumpa sa loob ng 6 na buwan matapos ang notipikasyon ng dekreto sa Munisipyo na sumasakop sa tinitirahan, kung residente sa Italya o sa Embahada o Konsulado naman kung residente sa labas ng bansang Italya. Makalipas ang 6 na buwan, ang dekreto ay hindi na balido at ang aplikante ay nararapat na ulitin ang proseso sa pamamagitan ng panibagong aplikasyon.
Basahin rin:
Gabay sa online application ng Italian citizenship
Aplikasyon para sa italian citizenship, narito ang batong bollettino postale
Italian citizenship sa loob ng 4 na taon, pagbabagong hatid ng Decreto Salvini