Ako ay isang Pilipina, ipinanganak sa Italya. Nag-18 anyos ako noong nakaraang Pebrero, maaari ba akong mag-aplay ng italian citizenship?
Abril 19, 2013 – Ang batas sa Italya bilang 91/92 ukol sa citizenship ay nagsasaad na ang “dayuhang ipinanganka sa Italya, nanirahan ng regular at tuluy-tuloy hanggang sumapit ang edad na 18, ay magiging ganap na Italyano kung maghahayag ng pagnanais na magkaroon ng Italian citizenship sa loob ng isang taon makalipas ang pagsapit ng ika-18 taong gulang” (artikulo 4, talata 2 batas 91/92).
Ito ay nangangahulugan na ang dayuhang mamamayan na ipinanagnak sa Italya at regular na residente ay maaaring mag-aplay ng italian citizenship sa pagitan ng 18 at 19 na taong gulang, at sa pamamagitan ng pagharap sa Civil officer.
Ang citizenship, sa kasong ito, ay ipinagkakaloob bilang benepisyo ng batas (beneficio di legge) at nagpapahintulot na maging mamamayang Italyano sa pamamagitan ng simpleng deklarasyon ng pagnanais nito sa harapan ng Civil officer hanggang sa pagasapit ng ika-19 na taong gulang. Matapos ang pamamaraan at masuri ang mga requirements, ay magpapatuloy sa pagpapatala bilang bagong mamamayan sa Registry makalipas ang panunumpa ng katapatan sa Republika ng Italya.
Mga Dokumento na isusumite:
1. Resibo ng pagbabayad ng halagang 200 € sa account number 809020 sa Ministry of Interior
2. Balidong pasaporte
3. Kopya ng orihinal na birth certificate ng aplikante;
4. Permit to stay: sa kasong may patlang ang panahon ng pananatili sa permit to stay, ang aplikante ay maaaring maglahad ng mga dokumento na magpapatunay ng tuloy-tuloy na paninirahan sa Italya (hal: school certificates, medical certificates at iba pa)
sumite ng mga patunay na dokumento ukol sa panantili sa Italya (hal: school certificate, medical certificate at iba pa..)
5. Historical residence certificate. Sa kaso ng late registration ng isang menor de edad sa Munisipyo ay kailangang ipakita ang dokumentasyon na magpapatunay sa pananatili ng menor sa Italya bago pa man ang pagpaparehistro. (hal: medical certificates)
Ang panahon ng regular na paninirahan ay dapat na makita magmula sa kapanganakan sa Italya, sa pamamagitan ng historical residence certificate na ibinibigay sa registry office at sa taglay na permit to stay. Kadalasan ang mga magulang ay hindi agad napapatala ang mga anak na ipinanganak sa Italya o naantala ang pagpapalagay sa anak sa sariling permit to stay. Dito ay makikita ang kakulangan sa kinakailangang tuloy-tuloy na pagiging residente simula kapanganakan hanggang sa wastong gulang, at maaapektuhan ang karapatan sa pagsusumite ng aplikasyon.
Para sa mga kadahilanang ito, upang mapadali ang aplikasyon sa pagkilala sa citizenship, ang Ministry of Interior sa pamamagitan ng Circular K64.2/13 ng 7 Nobyembre 2007, ay hiniling sa mga Civil Officers na suriin, sa magaan na paraan, ang kinakailangang tuloy-tuloy na residensya. Itinalaga, samakatwid, sa mga kaso ng pagkaantala sa regular na paninirahan o pagkaantala sa pagpaparehistro, na dapat suriin, bilang katibayan ng pamamalagi sa Italya, maging ang mga medical certificate (hal sertipiko sa bakuna, o medicalcheck ups), mga school certificates o iba pang natutulad na dokumentasyon.
Sa kasamaang palad, ang ilang mga munisipyo ay patuloy na tinatanggihan ang citizenship sa mga mayroong patlang sa panahon ng paninirahan, sa kabila ng Circular K64.2/13 ng Nobyembre 7, 2007. Kaugnay dito, ang mga opinyon ng mga hukom ay palaging sang-ayon sa pananaw na ito, at ang mga pagtanggi buhat sa mga munisipyo ay isinasaalang-alang na mali.
Rif. Normativo: Legge 5 febbraio 1992 n.91