Ang lockdown sa bansa sanhi ng mabilis na pagkalat ng Covid19 ay naging dahilan ng pansamantalang paghinto sa trabaho ng karamihan.
Maging sa domestic job, kahit hindi ito kasama sa mga obligadong huminto sa trabaho, ay marami ang pansamantalang huminto marahil dahil ang colf ay takot mahawa ng covid-19 o maaaring ang pamilya ang natatakot na mahawa nito sa pamamagitan ng colf.
Sa kasamaang palad, marami din ang tuluyang nawalan ng trabaho sa sektor.
Narito ang mga posibleng solusyon sa trabaho para sa domestic job sa panahon ng covid19
- Anticipated Vacation leave – Anticipo delle ferie
Ang domestic worker, sa bawat taon ng serbisyo sa iisang employer o datore di lavoro, anuman ang haba ng oras ng trabaho, ay may karapatan sa 26 na araw ng bayad na bakasyon o ferie retribuite. Ang pamliya, sa kasunduan sa colf, ay maaaring gamitin o i-anticipate ang vacation leave o ferie, sa pansamantalang hindi pagta-trabaho ng colf, maaaring sa kagustuhan ng employer o ng colf mismo. Ito ay nangangahulugan lamang na buo ang matatanggap na sahod ng colf ngunit sa pagsapit ng summer vacation ay ubos na ang bakasyon ng colf.
Samantala, sa pagkakataong ubos o nagamit na ng colf ang vacation leave o ferie, ang employer sa pagbibigay ng buong sahod ng colf ay maaaring hingin sa colf ang i-recupera o ang ipagtrabaho ang binayang oras o araw ng trabaho sa hinaharap. Isang bagay na maaaring hingin ng employer sa colf
2. Aspettativa retribuita
Isa ito sa posibleng solusyon sa sitwasyon ng mga colf na nasasaad sa artikolo 19 ng CCNL ng domestic job. Ito ay ang sospensione extraferiale del rapporto di lavoro per esigenze del datore di lavoro. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang paghinto sa trabaho ng colf. Ang pagliban sa trabaho ay hindi dahil sa bakasyon o ferie (o tinatawag na extraferiale) ngunit dahil sa kagustuhan o pangangailangan ng employer ngunit buong matatanggap ng colf ang sahod. Ito ay ang solusyog pinakapabor sa colf, dahil tatanggap ng buong sahod kahit hindi pumapasok sa trabaho. Ito ay dipende sa amo.
3. Aspettativa non retribuita
Ito naman ay tumutukoy sa pansamantalng paghinto sa trabaho ng colf, maaaring sa kagustuhan ng employer o ng colf. Sa panahong hindi magta-trabaho ang colf ay walang matatanggap na sahod o kita. Bagay na hindi pabor sa colf dahil bagaman hindi nawalan ng trabaho ay wala ring matatanggap na sahod sa panahong hindi magta-trabaho.
4. Licenziamento o Pagtatanggal sa trabaho
Ang mga employer ay maaaring tanggalin sa trabaho ang colf kahit sa panahon ng krisis. Ngunit dapat isaalang-alang ang pagbibigay ng sapat na araw ng abiso o kung sa kawalan nito ay ang bayaran ang mga araw na ito.
Halimbawa: kung ang kontrata ay higit sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay:
1) 15 araw – hanggang 5 yrs na tagal ng panahon sa trabaho;
2) 30 araw – higit sa 5 taong panahon sa trabaho;
– kung ang kontrata ay mas mababa sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay
1) 8 araw kung ang tagal sa trabaho ay mas mababa sa 2 taon;
2) 15 araw kung ang tagal sa trabaho ay mas mataas sa 2 taon.
Kung ang employer ay tinanggal sa trabaho ang colf ng walang abiso o hindi sapat na araw ng abiso, ang employer ay obligadong magbigay ng tinatawag na ‘indennità sostitutiva’. Ito ay ang halagang katumbas ng mga kulang na araw ng abisong hindi ibinigay ng employer.
Bukod sa abiso at sa indennità sostitutiva, ay kailangan ring ibigay sa worker ang Tfr (trattamento fine rapporto), ferie (non godute) at ang ilang buwang tredicesima hanggang sa panahon ng pagtatanggal sa trabaho.
Gayunpaman, ang colf, sa pagtanggap ng letter di licenziamento ay maaaring mag-aplay ng Naspi o ang unemployment benefit.