in

Colf, babysitter at caregivers, paano ang renewal ng permit to stay?

Ako ay isang colf at malapit na ang expiration ng aking permit to stay. Anu-anong mga dokumento ang dapat kong ihanda sa renewal?

Pebrero 20, 2013 – Ang request ng renewal ng permit to stay ay personal na dapat gawin ng aplikante, sa pamamagitan ng paggamit ng ‘kit’ mula sa mga post office sa Questura ng lungsod kung saan nakatira ang aplikante. Ang request ng renewal ay maaaring gawin mula 60 araw bago hanggang 60 araw makalipas ang expiration date ng nasabing dokumento ayon sa artikulo 13, talata 2, letra b) ng d.lgs. 286/98

Mga dokumento na dapat ilakip sa renewal ng permit to stay

  • Kopya ng balidong pasaporte (mga pahina kung saan matatagpuan ang personal datas, timbro ng renewal at timbro ng paglabas at pagpasok ng bansa)
  • Kopya ng fiscal code o ang health card (bilang replacement kung walang codice fiscale)
  • Kopya ng Permit to stay
  • Dokumentasyon upang mapatunayan ang sahod: Modello CUD (sa sinumang mayroon nito) at bollettini Inps (huling 4 na bayad na bollettini)
  • Proof of residence (kontrata ng upa sa apartment/declaration of hospitality/cession di fabbricato
  • Proof of employment (attestazione di servizio – isang deklarasyon buhat sa employer ng kasalukuyang employment)

Kung sakaling mayroong bagong employer (para sa mga part-timer) kailangan din ang ilakip ang kopya ng report of employment (denuncia del rapport di lavoro) na ginawa sa Inps at kopya ng dokumento ng employer.

Ang postal kit para sa renewal (MOD 209, modello 1 at 2) ay kailangang sagutan at isumite sa Sportello Amico ng mga post offices. Ang operator ay titingnan maging ang original ng pasaporte at permit to stay. Matapos suriin ang mga inilakip na dokumento ay kailangang bayaran ang angkop na postal bill. Ang operator ay magpapatuloy sa pagpapadala ng aplikasyon sa tanggapan ng Questura. Bukod sa resibo ng renewal ay ibibigay din ang isang liham kung saan nakasulat ang petsa ng appointment para sa fingerprinting sa Questura. Ito ay nangangahulugan na sa araw ng pagsusumite ng aplikasyon ng renewal ay malalaman na rin ang takdang oras, petsa at lugar kung saan dadalhin ang lahat ng orihinal ng mga kopya ng dokumento na inilakip sa aplikasyon, kasama ang 4 na ID picture, with white background at pare-pareho. Ilang linggo matapos ang fingerprinting, ang local police ay iri-release ang renewed permit to stay.

Upang malaman ang sitwasyon ng renewal o kung handa na ito, mag -log on lamang sa http://www.poliziadistato.it/articolo/15002/, at isulat ang numero dell’assicurata (o password sa resibo).

Ang bagong permit to stay ay magkakaroon ng validity katulad ng naunang dokumento. Maaari namang kanselahin ang dokumento sa kasong hindi makumpleto ang mga requirements na hinihingi sa pananatili sa bansang Italya.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Immigration Center bubuksan sa Milan

Emergenza Nord Africa – 500 euros sa sinumang lilisanin ang ‘Shelter’