in

Colf, babysitters at caregivers, dapat bang gumawa ng dichiarazione dei redditi?

Ako ay isang colf. Kailangan ko bang gumawa ng dichiarazione dei redditi? Maaari ko bang gamitin ang 730 ?
 

May 19, 2014 – Ang mga colf o kasambahay ay obligadong gumawa ng dichiarazione dei redditi kung ang sahod ay lalagpas sa itinakdang €8.000 kada taon. Samantala, ang sinumang kumikita ng mas mababa sa halagang nabanggit ay walang obligasyong magsumite ng tax return .
 
Ang nabanggit ay ginagawa para sa Estado at ito ay tumutukoy bilang report ng tinanggap na sahod sa isang taon. Sa kasong ito, ang dichiarazione dei redditi 2014 sa katunayan ay tumutukoy sa report ng mga sinahod sa taong 2013. Nakalaan ang mga nakatakdang parusa sa mga hindi gagawa nito, sa kabila ng obligasyong gawin ito. 
 
Mula sa taong ito ang mga kasambahay (colf, caretakers, baby – sitters, at ibap) ay maaaring gawin ang dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng 730, bukod sa Unico. Sa paggawa nito, kailangang magtungo sa centro di assistenza fiscale, o ang tinatawag na CAF o ang mga authorized intermediaries.  

 
Paalala!
 
Ang mga employers ng colf ay hindi itinuturing na sostituto d’imposta at hindi maaaring magbigay ng totoong modello CUD, at nagbibigay lamang ng isang deklarasyong tinatawag na dichiarazione sostitutiva del CUD. Ito ay isang report ng lahat ng tinanggap na sahod at lahat ng binayarang kontribusyon sa Inps ng taong nabanggit. 
 
Para sa paghahanda ng tax return, dapat isumite sa Caf (o authorized intermediaries) ang sariling fiscal code, ang dichiarazione sostitutiva del CUD at ang mga resibo ng mga gastusin tulad ng medical expenses (medical check-ups, gamot etc), housing loan ng unang bahay, riconstruction expenses at ibapa. 
 
Kung magpapasyang mag-file ng tax return gamit ang 730, ang pagsusumite ng dichiarazione del reddito ay dapat gawin hanggang May 31, 2014. Kung magpa-pasya naman na gagamitin ang modello UNICO, ang pagsusumite ng tax return ay dapat gawin hanggang June 30, 2014. 
 
Kung ang deklarasyon na isusumite gamit ang 730 ay magre-resulta ng credit na pabor sa worker, ang reimbursement ng nasabing credit ay gagawin direkta ng Agenzia dell’Entrate diretso sa postal o bank account ng worker (ang account number ay dapat na nasasaad sa gagawing dichiarazione). Kung magkakaroon naman ng debit na dapat bayaran ng worker sa Estado, ang Caf (o ang intermediary) ay magbibigay naman ng F24 sa worker upang bayaran ito hanggang June 16, 2014. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga mahahalagang bagay ukol sa EXPO 2015

THE ASIA PACIFIC GROUP OF THE UNITED NATIONS WOMEN’S GUILD REMEMBERS THE TYPHOON HAIYAN VICTIMS