in

Colf, caregivers at babysitters, paano kinakalkula ang kontribusyon?

Magandang umaga. Ako po ay isang babysitter. Nais kong malaman kung magkano ang kabuuang gastusin ng aking employer. Bukod sa sahod, magkano ang kanyang dapat bayaran sa Inps? 

 

Nobyembre 4, 2016 – Ang mga employer ay kinakailangang magbayad ng kontribusyon quarterly sa Inps para sa colf, babysitter o caregiver. 

Upang makalkula ang halaga ng kontribusyon, ay batayan ang halaga ng sahod na napagkasunduan ng worker at ng employer, kung saan idadagdaga ang 13 month pay at kung napagkasunduan, ang halaga ng board and lodging (sa mga live-in) at ang kabuuang bilang ng oras ng trabaho sa loob ng tatlong buwan (na 13 linggo para sa Inps).  

Unang hakbang: Kalkulahin ang tunay na sahod kada oras 

Unang hakbang ay ang tukuyin ang tunay na sahod kada oras at ito ay hindi ang halagang napagkasunduan ng dalawang partes bagkus ay ang sumatutal ng sahod kada oras, ng halaga ng 13 month pay (at kung may board and lodging). Sa pamamagitan ng sumatotal ng mga nabanggit ay lalabas ang tunay na sahod kada oras kung saan ibabatay ang kalkulasyon ng kontribusyong babayaran, ito ang tinatawag na ‘retribuzione oraria effettiva’. 

Ipinapaalala rin na ang halaga ng sahod na napagkasunduan kada oras ay hindi dapat mas mababa sa minimum wage na itinalaga ng Inps. (Narito ang minimum wage). 

Halimbawa: Kung ang employer ay nagbabayad sa kanyang colf ng 8 euros (ang halagang napagkasunduan ng dalawang partes) kada oras. Upang malaman ang tunay na sahod at kailangang idagdag ang halaga ng 13month pay. Ang halaga kada oras ng 13month pay ay makukuha sa pamamagitan ng pag-divide ng sahod kada oras sa 12. Hal: (8 euros /12)

Ang halaga, samakatwid, ay 0,66 euros (halaga ng 13month pay) na idadagdag sa sahod kada oras na 8 euros at ang lalabas na halaga 8,66 euros ay ang halagang pamantayan upang malaman ang kontribusyon na dapat bayaran sa tabella ng Inps

Ikalawang hakbang: Kalkulahin ang halaga ng mga kontribusyon

Sa sandaling alam na ang retribuzione oraria effettiva o tunay na sahod kada oras, ay kailangang maunawaan kung ano ang halaga ng kontribusyon na dapat bayaran batay sa table na buhat sa Inps kada taon. 

Mangyaring tandaan na ang halaga ng kontribusyon ay nag-iiba batay sa haba ng panahon ng kontrata, kung tempo indeterminato o determinato. At kung determinato ay mayroong bahagyang kataasan. 

Kung ang ating halimbawa sa itaas ay may contratto indeterminato, ang halaga per hour ay € 1.57 (€ 0.40 bahaging dapat bayaran ng worker) na dapat i-multiply sa oras ng trabaho sa tatlong buwan (13 linggo) 

 

6 na oras sa isang araw sa 6 na araw sa isang linggo

6 x 6 x 13 = 468 kabuuang oras sa tatlong buwan o quarterly

468 oras x 1.57 halaga ng kontribusyon = € 734.76 halaga na babayaran sa INPS tuwing tatlong buwan quarterly 

468 oras x .40 = EUR 187.20 halagang dapat bayaran ng worker

Ang employer, ay dapat bayaran INPS ang kabuuang halaga ng kontribusyon kasama ang halagang dapat bayaran ng worker at may karapatang ibawas ito mula sa sahod ng worker kung napagkasunduan at sinang-ayunan ng worker. 

 

Basahin rin:

Minimum Wage 2016 ng mga colf, babysitters at caregivers

Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL

Halaga ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters sa 2016

ni: Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni: PGA 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong bonus para sa mga pamilya, ano ang requirements sa mga imigrante?

Peace Talk Forum, Matagumpay na naidaos sa Roma