Ako ay isang colf at nais kong malaman kung kailangan ko’ng gumawa ng dichiarazione dei redditi o tax return. Paano at anong uri ang aking dapat gamitin, 730 o Modello Unico?
Roma – Lahat ng mg domestic workers, anuman ang nasyunalidad, ay may obligasyong gumawa ng dichiarazione dei redditi o tax return kung ang sahod ay lampas sa itinakdang gross income yearly o € 8,000.
Nasasaad sa batas ang parusa at multa sa sinumang, sa kabila ng obligasyong gawin ito ay pinili ang hindi pagsunod sa batas. Ang dichiarazione dei redditi ay nagpapahintulot rin sa tax incentives tulad ng nauukol sa asawa at dependent na miyembro ng pamilya. Bukod pa sa ito ay kinakailangan upang matanggap ang tax bonus na maaaring umabot sa halagang € 960,00.
Ang employer sa domestic job ay hindi kumakatawan bilang withholding agent at samakatwid ay hindi maaaring gawin ang mga deductions at bayaran ang anumang buwis tulad ng nasasaad sa batas. At samakatwid, ang worker ay kailangang gawin ang kanyang dichiarazione dei redditi sa estado. Ito ay kumakatawan bilang account ng tinanggap na sahod sa taong nakalipas. Hal, para sa taong 2017 ay gagawin ang dihiarazione dei redditi ng taong 2016.
Bago gawin ang deklarasyon, kailangang hingin ng colf sa kanyang employer ang certificazione sostitutiva dei compensi kung saan nasusulat ang lahat ng tinanggap na sahod (ito ay katulad ng tinatawag na CUD). Kailangang ibigay ang dokumentong ito sa worker kahit 30 araw bago sumapit ang deadline sa paggawa ng nabanggit na deklarasyon o sa pagtatapos ng trabaho (pagbibitiw o pagtatanggal sa trabaho). Sa colf ay kailangan ring ibigay ang mga resibo ng pinagbayaran sa Inps sa taon ng deklarasyon.
Ang colf ay maaring gawin ang dichiarazione redditi sa pamamagitan ng 730 o ng Modello Unico. Sa paggawa nito ay maaaring lumapit sa anumang centro di assistenza fiscal o CAF o sa mga authorized intermediaries.
Kung sa deklarasyon sa pamamagitan ng 730 ay magresulta ang credito sa kanyang pabor, ang refund ng halaga nito ay ibibigay ng Agenzia dell’Entrate diretso sa bank account ng tax payer. Samantala kung magre-resulta naman ang saldo a debito, ito ay babayaran sa estado. Ang CAF o anumang authorized intermediaries ay ibibigay sa colf ang modello F24 na nagtataglay ng halaga ng babayarang buwis sa petsang nasasaad dito.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog ni: PGA
Domestic workers, caregivers at babysitters, bonus ng € 960 sa tax return
Tax incentives nakalaan sa mga employer ng domestic jobs