in

Colf, may medical check-up. Paano ang trabaho?

Magandang araw po. Ako po ay isang Pilipina at naka-live in sa aking employer. May medical check-up po ako at maaapektuhan ang oras ng aking trabaho. Maaari po ba akong magpaalam sa aking employer?

Batay sa art. 20 ng National Collective Agreement on Domestic Job, ang mga manggagawa ay mayroong karapatan sa bayad at may pahintulot na pagliban sa trabaho o ang tinatawag na permessi individuali retribuiti para sa medical check-up o analysis kung ito ay kasabay o parsyal na kasabay ng oras ng trabaho.

Ang mga manggagawang naka-live in ay mayroong nakalaang 16 hrs yearly. Samantala, ang mga part-timers naman na nagta-trabaho ng higit sa 30 hrs weekly ay mayroong 12 oras na permessi. Ang mga manggagawang hindi naka-live in at wala sa 30 oras ang trabaho kada linggo ay hinahati ang 12 oras batay naman sa oras ng trabaho.

Gayunpaman, matapos ang medical check-up ay ipinapayo na humingi sa duktor ng medical certificate bilang patunay ng naging dahilan ng pagliban sa trabaho.

Nasasaad din sa artikulo 20 na batay sa kasunduan sa pagitan ng employer at worker, ang pagliban ay maaaring hindi bayad o non retribuiti.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang petisyunin ang anak na 18 anyos na?

Pambansang Pagkilos at Selebrasyon para sa Araw ng Paggawa, sa Bologna Idinaos