in

Colf na magre-resign, kailangan bang magbigay ng abiso?

Magandang araw po. Ako ay isang colf at nais kong magpalit ng trabaho. Ang bagong employer ay gustong magsimula agad ako ngunit hindi pa ako nakakapag-paalam sa aking dating employer. Dapat ba akong magbigay ng abiso?  

Kahit ang colf ay maaaring iwanan ang trabaho at magbigay ng resignation.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ang colf ay kailangang magbigay ng abiso sa kanyang employer sa parehong kundisyon ng employer na magtatanggal sa trabaho sa colf.

Ang araw ng abiso ay nag-iiba batay sa haba ng panahon sa trabaho at oras ng trabaho.

Kung ang colf ay nag-trabaho hanggang 25 hrs per wk, at nasa serbisyo hanggang dalawang (2) taon, ay dapat magbigay ng walong (8) araw na abiso, habang ang colf na nasa serbisyo ng higit sa dalawang (2) taon ay dapat magbigay ng labinlimang (15) araw ng abiso.

Kung ang colf ay nag-trabaho ng mas mataas sa 25 hrs per wk, at nasa serbisyo hanggang dalawang (2) taon ay dapat magbigay ng labinlimang (15) araw ng kalendaryong abiso, habang ang nasa serbisyo ng higit sa dalawang (2) taon ay dapat magbigay ng tatlumpung (30) araw ng kalendaryo.

Samakatwid, hindi makatwiran ang pag-uugaling lisanin ang pamilyang pinag-lilingkuran na hindi nagbibigay ng pagkakataong makakuha ng kapalit nito sa panahon ng abiso.

Sa kawalan ng pagbibigay ng abiso ng colf, maaaring kunin ng employer sa huling buwang sahod ng colf ang kabayaran sa hindi pagbibigay ng abiso o ang tinatawag na ‘indennità sostitutiva del preavviso’.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Permesso di soggiorno provvisorio, kailan ibinibigay?

Required salary ng Family Reunification sa taong 2018