in

Colf na maysakit, ilang araw ang sick leave at magkano ang matatanggap na sahod?

Colf na maysakit, ilang araw ang sick leave at magkano ang matatanggap na sahod?

Bukod sa pagpapagaling, isa sa alalahanin ng colf na may sakit ang kanyang trabaho, pati na rin ang kanyang sahod: kung ito ay babayaran ba o hindi ng kanyang employer o kung ito ba ay babayaran ng Inps.

Sa Italya, ang pagkakasakit ng colf, badante o caregiver at babysitter ay binabayaran ng employer. Sa katunayan, kung ang manggagawa ay lumiban sa trabaho dahil sa pagkakasakit, ang Inps ay hindi nagbibigay ng anumang benepisyo, tulad ng nakalaan sa mga empleyado sa ibang sektor.

Narito kung ilang araw ang sick leave at magkano ang dapat matanggap na sahod ng colf.

Colf na maysakit, ilang araw ang bayad na sick leave?

Ang employer ay nakatakdang magbayad ng sahod ng colf na maysakit ng 50% ng sahod sa unang 3 araw ng pagliban sa trabaho. At ang mga susunod na araw ng sick leave ay babayaran naman ng 100%.

Ang mga araw ng sick leave ay batay sa haba ng panahon ng serbisyo:

  • 8 araw, sa mga nasa serbisyo ng hanggang 6 na buwan;
  • 10 araw, sa mga nasa serbisyo ng mula 6 na buwan hanggang 2 taon;
  • 15 araw, sa mga nasa serbisyo ng higit sa 2 taon.

Samakatwid, kung ang sick leave ng colf, (na higit na sa 2 taon sa kanyang employer) ay 15 araw, ang unang 3 araw ay bayad ng 50% o ng kalahati ng halaga ng sahod nito at ang natitirang 12 araw ay 100% o katumbas ng kabuuang halaga ng sahod.

Paano kinakalkula ang sahod ng colf na nasa sick leave?

Ang kalkulasyon ng sahod ng colf na may sakit na tumatanggap ng buwanang sahod ay ganito:

SAHOD SA ISANG BUWAN / 30 (araw ng 1 buwan) X ARAW NA DAPAT BAYARAN  (o 50% at pagkatapos ay X 3 para sa unang 3 araw).

Halimbawa:

  • Buwanang sahod: € 800
  • Sick leave: 15 araw
  • Sahod sa sick leave:

Unang 3 araw: 800/30 = 26,67 X 50% = 13,33 X 3 araw= € 40

Mula ika-4 na araw hanggang 15: 800/30 = 26,67 X 12 araw = € 320,04

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4.5]

Higit sa isang libong Pilipino, natulungan ng bagong tatag na MOVE-OFWs

Ako-ay-Pilipino

Rt index sa Italya, bumababa