in

Colf, naaksidente habang nagta-trabaho. Ano ang dapat gawin?

Ako po ay isang colf at ako ay naaksidente habang nagta-trabaho. Ano po ang dapat kong gawin? Ano po ang mga hakbang na dapat gawin ng aking employer?

 

Roma, Oktubre 19, 2015 – Ang mga colf, caregivers at babysitters na regular na na-empleyo at ipinagbabayad ng kontribusyon sa Inps, ay may karapatan sa mga serbisyo at benepisyo sa insurance sa aksidente o infortunio at sa pagkakasakit o malattia.

Ang mga kontribusyong ibinabayad o inihuhulog sa social security ay kasama, sa isang bahagi nito ang Inail para sa anumang uri aksidente na maaaring maganap habang ginagampanan ang trabaho. Sa katunayan, ang Inail, ay ang tanggapang kailangang magbayad sa colf na naaksidente o nagkasakit, ng isang allowance o indennità sa panahon ng kanyang pagliban o leave.

Kung ang isang colf ay naaksidente ay kailangang ipagbigay alam agad ito sa kanyang medico di base na syang gagawa ng denuncia di infortunio sa Inail sa loob ng dalawang (2) araw mula sa pagtanggap ng unang medical certificate o ng medical report buhat sa emergency. Sa kaso lamang ng pagkamatay, ang pagpapadala ng denuncia sa Inps ay kailangang gawin sa loob ng 24 na oras, kahit sa pamamagitan ng telegrama o fax.

Paalala: ang obligasyon sa pagpapadala ng denuncia sa Inail ay hindi magsisimula kung ang aksidente o sakit ay gagaling sa loob ng 3 araw (hindi kasama ang araw kung kalian naaksidente). Dahil dito, ang employer ay kailangang ibigay pa rin sa worker ang napagkasunduang sahod kasama ang anumang board and lodging.

Paano ginagawa ang report sa Inail?

Ang employer ay kailangang gumamit ng form “4bisPREST” na maaaring i-download mula sa website ng Inail at kumpilahan ito.

Matapos masagutan ang form ay maaaring isumite ng personal sa lahat ng tanggapan ng Inail, maaari ring ipadala sa pamamagitan ng koreo with return card o sa pamamagitan ng email sa certified email address ng Inail. Sa form ay dapat ilagay ang lahat ng datos ukol sa medical certificate na ipinadala na ng medico di base o ng anumang health structure na nagbigay ng first aid.

Bilang karagdagan, ang employer ay dapat magpadala ng isang kopya ng denuncia di infortunio na ipinadala na sa Inail, sa awtoridad tulad ng Commissariato di Polizia, Questura o sa Munisipyo kung saan naganap ang aksidente. Sa kawalan, hindi wasto o naantalang report ay nasasaad ang kaukulang administrative fine o multa na nagkakahlaga mula € 1,290.00 hanggang sa maximum amount na € 7,745.00 at maaaring itaas ng Inail o ng awtioridad sa ilang kaso.

ni Atty Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Menor de edad, walang kontribusyon ng 200 euros para sa citizenship

Family Day 2015, ipinagdiwang sa Roma