Kung ang colf ay liliban sa trabaho dahil kailangang sumailalim sa quarantine, fiduciary isolation o ang kalagayan ng kalusugan ay nasa peligro dahil mahina ang immune system (o ang tinatawag na immunosuppression) o dahil sa pagkakaroon ng sakit na kanser, ay pinahihintulutang lumiban sa trabaho. Ang panahong ito ay kinikilala sa Italya bilang sick leave o malattia.
Sa ganitong mga kaso, ang pamilya kung saan nagta-trabaho ang colf ay dapat bayaran ang araw ng malattia (tulad ng mga normal na kaso ng sick leave).
Samakatwid, ang employer ay nakatakdang magbayad ng sahod ng colf na maysakit hanggang 3 araw ng 50% ng buwanang sahod nito. At ang mga susunod na araw ay babayaran naman ng 100% batay sa araw ng anzianità o tagal sa serbisyo ng colf:
- 8 araw, sa mga nasa serbisyo ng hanggang 6 na buwan;
- 10 araw, sa mga nasa serbisyo ng mula 6 na buwan hanggang 2 taon;
Ngunit kung ang colf ay nahawa ng Covid19 mula sa trabaho dahil nakatira o dahil nag-alaga ng taong infected, ay may karapatan sa tinatawag na ‘Inforunio al lavoro’.
Tulad ng ipinatutupad na patakaran at regulasyon ng pagkakahawa ng sakit sa trabaho ay itinuturing na isang ‘infortunio al lavoro’ o aksidente sa trabaho.
Samakatwid ay napapailalim sa mga patakaran nito kung saan kailangang gawin ang report o ‘denuncia’ sa Inail.
Ang employer ay obligadong magpadala ng denuncia di infortunio sa Inail sa loob ng dalawang araw o 48 oras mula sa pagtanggap ng medical certificate o resulta ng tampone ng colf.
Ang komunikasyon, gamit ang form 4 bis R.A. ay kailangang gawin sa pamamagitan ng registered mail (with return card) o certified email (Pec) lakip ang medical certificate sa tanggapan ng Inail kung saan residente ang colf.
Ang Inail, ay ang tanggapang magbabayad sa colf na naaksidente o nagkasakit, ng isang allowance o indennità sa panahon ng kanyang pagliban o leave.
ni: PGA
Sources: Assindatcolf, Caf CISL, Inail