in

Colf, obligado bang gumawa ng dichiarazione dei redditi? Anu-ano ang mga dokumento na dapat ihanda?

Ako ay Pilipino

Oo. Ang mga domestic workers, samakatwid ang mga colf, babysitters at caregivers – Italyano, European o Pilipino man – ay kailangang gumawa ng dichiarazione dei redditi taun-taon, upang matukoy ang buwis na dapat bayaran sa gobyerno. 

Ngunit ang obligasyong ito ay para lamang sa mga may taunang sahod o kita na higit sa €8,000. Ang halaga ng kabuuang sahod ay mapapatunayan sa pamamagitan ng CU (Certificazione Unica) na ibinibigay ng employer. 

Gayunpaman, ang dichiarazione dei redditi ay maaari pa ring gawin kahit hindi aabot ang taunang sahod sa halagang nabanggit, upang matanggap ang detrazione IRPEF o tax deduction para sa mga miyembro ng pamilya na carried o ‘a carico’. 

Sa kasong ito, ang mga miyembro ng pamilya ay itinuturing na ‘a carico’ kung ang taunang sahod ay mas mababa sa €2.840,51, o sa € 4,000.00 kung ang anak ay mas bata sa 24 anyos. 

Ang dichiarazione dei redditi ay maaaring gawin sa tulong ng Caf o Patronato at kailangang ihanda ang mga sumusunod na dokumento:

  • CU: mula sa employer, na nagbibigay ng detalye ng mga natanggap na sahod sa nakaraang taon;
  • Mga resibo ng mga kontribusyon ng Inps na binayaran ng employer (tuwingtatlong buwan);
  • Dokumentasyon para sa detrazioni per familiari a carico o tax deduction (codice fiscale ng mga miyembro ng pamilya at Stato di famiglia);
  • Resibo ng mga pinagbayaran sa paaralan;
  • Resibo ng mga medical expenses – gamot at mga check-ups;
  • Resibo ng mga ginastos para sa bahay (bayad sa renta, bonus ristrutturazione, bonus mobili at iba pa);

Bukod sa mga nabanggit ay mahalahang ihanda rin ang mga sumusunod:

  • Resibo ng pinabayaran sa transportasyong publiko;
  • Resibo ng mga pinagbayaran sa insurance (life, health at pension);
  • Resibo ng mga pinagbayarang sports activity ng mga menor de edad na anak;
  • Resibo ng mga pinagbayaran sa veterinary para sa alagang pet; 

ni: Atty. Federica Merlo, para sa Colf & Badanti online

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.8]

ISEE Ako Ay Pilipino

Mababa ang ISEE, narito ang mga dapat malaman

vaccine-ako-ay-pilipino

June 3, simula ng booking ng bakuna kontra Covid19 para sa lahat ng mga over16