in

Colf part-timer, magkano ang matatanggap na sahod sa araw ng Holiday?

Sa pagpasok ng buwan ng December ay maraming holidays, partikular sa Italya, na pinaka hinihintay ang mga workers.  Ito ay ang mga sumusunod:

  • December 7 – Wednesday, Sant’Ambrogio – para lamang sa Milano at mga Comune kung saan Patron Saint.
  • December 8 – Thursday, Immacolata Concezione. 
  • December 25 – Sunday, Christmas Day. 
  • December 26 – Monday, Santo Stefano. 
  • January 1 – Sunday, New Year. 
  • January 6 – Friday, Epiphany. 

Maraming mga domestic workers at employers ang naniniwalang double pay ang pagta-trabaho sa araw ng mga holidays sa Italya. Narito ang eksaktong kalkulasyon tuwing Holiday, batay sa umiiral na Collective Contract for Domestic Job. 

Una sa lahat, ipinapaalala na ang holiday ay dapat bayaran ng employer. Batay sa Collective Contract, ang mga pista opisyal ay dapat ipagpahinga ng mga workers at obligasyon naman ng mga employers ang ibigay ang kumpletong sahod ng mga workers.

Gayunpaman, marami ang nag-aakalang hindi dapat bayaran ang holiday kung ang colf ay isang part-timer at twice a week lamang ang trabaho sa employer, halimbawa Monday at Thursday lamang at ang holiday ay hindi sa araw ng trabaho ng colf. 

Bagaman mas mababa ang halaga, ang colf ay dapat pa ring makatanggap ng sahod sa araw ng holiday, hindi man ito magtrabaho o hindi man ito pumatak sa araw ng kanyang trabaho. 

Ang kalkulasyon ng sahod ng part-timer sa araw ng Holiday

Ang part-timer na may kontrata ng 4 times a week for 5 hrs at may kabuuang 20 hrs per week ng €8 per hour, ay tumatanggap ng sahod na €40,00 per day, ay makakatanggap ng 1/6 ng halaga ng sahod per week. 

€ 8,00 x 20 hrs / 6 = € 26,66 

Ang 1/6 ng lingguhang sahod ay € 26,66.

Samakatwid, ang colf ay makakatanggap ng €26,66 sa araw ng Holiday kahit hindi mag-trabaho. 

Para sa buwan ng December 2022, ay mayroong 3 non-working holidays with pay (Dec. 8, Dec 25 at 26) at samakatiwd ay makakatanggap ng karagdagang € 80,00 sa sahod ang mga colf, bukod pa sa karaniwang sahod at 13th month pay.

Ang kalkulasyon ng sahod ng part-timer kung magta-trabaho sa araw ng Holiday

Samantala, iba ang kalkulasyon sakaling ang colf ay mag-trabaho sa araw ng holiday. Tandaan: Bukod sa bayad ng holiday ay babayaran din ang mga oras na ipinagtrabaho at may karagdagang 60%. 

Sa parehong halimbawa na nabanggit sa itaas: colf na nagta-trabaho ng 4 na beses sa isang linggo ng 5 oras kada araw. May kabuuang 20 oras ng trabaho kada linggo. Ang sahod ay €8 kada oras, at may kabuuang sahod ng €40 kada araw. 

€8 sahod per hour X 20 hrs per week: 6 = € 26,66 

Ang 1/6 ng lingguhang sahod ay € 26,66.

Kung ang employer at colf ay magkasundo na magtrabaho kahit sa araw ng kapistahan. Sa kasong ito, ang colf ay may karapatang matanggap ang: 

  1. € 40,00 halaga ng sahod;
  2. € 26,66 halaga ng compulsory payment para sa holiday;
  3. € 24,00 ang 60% na karagdagan sa € 40 na sahod

Samakatwid, ang colf na magta-trabaho sa araw ng holiday ay makakatanggap ng € 90,66, sa halip na €40,00. (PGA – Source: Federmanager)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

END Violence against Women & Girls!

Paano malalaman ang points sa driver’s license?