Sa kasagsagan ng covid-19 sa bansa, ito ang pangkaraniwang katanungan ng isang colf, babysitter at caregiver.
Ayon sa artikolo na inilatahla ng SafAcli, ipinaliwanag ng labor union na nangangalaga sa kapakanan ng mga mangagagawa, ang iba’t ibang posibleng kasong nagaganap sa kasalukuyan, sa mga colf at sa mga pamilya ding pinaglilingkuran nito, dulot ng coronavirus.
Mayroong iba’t ibang sitwasyon na dapat harapin.
Una, tulad ng nasasaad sa katanungan na pansamantalang hihinto sa trabaho ang colf dahil sa takot mahawa ng covid-19.
Ang ikalawa, ay ang pamilya naman ang natatakot na mahawa nito sa pamamagitan ng colf.
O ang mas mahirap na sitwasyon, ang caregiver ay nag-aalaga sa isang matanda na may karamdaman, na mas madaling mahawa tulad ng naririnig natin sa mga balita.
Narito ang mga paglilinaw sa mga dapat at hindi dapat gawin sa ganitong sitwasyon ng mga colf at employers.
- Ang employer ay maaaring gawin ang sospensione di lavoro extraferiale batay sa CCNL. Itinalaga sa kasunduan ng mga labor union, kung sakaling magdesisyong pansamantalang ipa-suspinde ang trabaho ng colf, sa kagustuhan at pangangailangan ng employer, ay nananatiling matatanggap ng buo ang sahod nang hindi mababawasan ang araw ng leave o bakasyon.
PAALALA: Mayroong mga employer ang nagbibigay ng aspettativa non retribuita (sa halip na sospensione di lavoro extraferiale). Ito ay nangangahulugan ng pagbibigay ng bakasyon sa colf ngunit walang bayad.
Kaugnay dito, ang Task Force Covid-19, ay isang grupo na layuning makapag-monitor ng mga kaso o pangyayaring may kinalaman dito at magtala ng census. Mula dito ay hangaring iparating ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas at Italya at makapagmungkahi rin ng mga rekomendasyon.
2. Kung ang worker ay ayaw pumasok sa trabaho, marahil dahil sa takot o dahil sa pag-aalaga ng mga anak na kasalukuyang walang pasok, ang pagliban na ito ay ituturing na normal na panahon ng bakasyon o kung ubos na ang araw ng leave ay ang permesso non retribuito, batay sa mapagkakasunduan ng dalawang partes.
3. Samantala, kung ang worker ay hindi maaaring pumasok para mag-trabaho dahil may sakit, ay kailangang tawagan ang medico di baseat magpagawa ng certificato di malattiakung saan nasasaad ang araw na kinakailangan sa pagliban. Ang mga araw na ito ay ituturing na malattia.
4. Recupero orario. Ito naman ay ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng employer at worker na ang oras at araw ng pagliban ay babawiin ng worker sa mga susunod na linggo o buwan. (PGA)