Sa Italya, ang contratto di soggiorno ay isang mahalagang dokumento para sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato sa pamamagitan ng decreto flussi, ang pamamaraan ng taunang regular na pagpasok ng mga dayuhan sa bansa na nagtatalaga ng bilang o quota.
Samakatwid ito ay isang mahalagang kontrata para sa first issuance ng permesso di soggiorno para sa dahilan ng trabaho.
Ito rin ay isang partikular na uri ng kontrata dahil ito ay isang kasunduan sa pagitan ng employer na nag-aplay at nakatanggap ng awtorisasyon o work permit para sa isang manggagawa at sa manggagawa na pumasok sa Italya sa pamamagitan ng decreto flussi.
Bilang karagdagan sa mga karaniwang elemento ng isang employment contract (uri ng kontrata, ang collective contract na inaplay at iba pa), ang contratto di soggiorno ay dapat na nagtataglay din ng indikasyon ng akomodasyon na inilaan para sa manggagawa (kasama ang eligibility certificate), at ang obligasyon ng employer sa pagbabayad ng mga gastusin para sa pagbabalik ng dayuhan sa kanyang country of origin.
Deadline at lugar kung saan pipirmahan ang contratto di soggiorno
Ang contratto di soggiorno ay dapat na pirmahan ng dayuhan sa loob ng 8 araw mula sa pagpasok sa Italya, sa Sportello Unico Immigrazione ng Prefecture ng workplace.
Kailangan ba ang contratto di soggiorno sa renewal ng permesso di soggiorno?
Hindi, sa renewal ng permesso di soggiorno, sa kasong ito ay aprubado ay hindi na kakailanganing ang bagong contratto di soggiorno. Samakatwid, ang employer ay hindi na oobligahan na siguraduhin ang tirahan ng dayuhan at kahit ang pagbabayad sa mga gastusin ng repatriation ng dayuhan. (Atty. Federica Merlo)