Oo, posible ang conversion ng permesso di soggiorno per studio sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato o autonomo bago ang petsa ng expiration date nito at sa loob ng limitasyon ng taunang quota.
Sa kaso ng lavoro subordinato ay kailangang ipakita ang mga dokumento na nagpapatunay sa pagkakaroon ng rapporto di lavoro;
Sa kaso ng lavoro autonomo naman ay kinakailangang ipakita ang mga dokumentasyon ukol sa business na bubuksan at ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal upang maisagawa ito.
Paalala – Ang mga magtatapos ng bachelor’s degree o laurea (ng tatlong taon o specialista), doctorate, master’s degree sa Italya, sa expiration ng permesso di soggiorno per studio ay maaaring magpatala sa listahan ng mga naghahanap ng trabaho hanggang 12 buwan at maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione sa pagkakaroon ng lahat ng mga requirements.
Kinakailangan ba ang pagkakaroon ng quota para sa conversion ng permesso di soggiorno per studio?
Hindi, ang conversion ay maaaring gawin sa anumang panahon ng taon ng mga:
- dayuhang mamamayan na regular na naninirahan sa bansa sa pagsapit mg 18 anyos;
- dayuhang mamamayan na nagkaroon ng degree o specialization, matapos ang pagpasok sa anumang kurso sa Italya. (source: Ministry of Labor and Social Affairs – Integrazione Migranti)