Ang bagong regulasyon sa curfew na simulang ipinatupad noong May 19 ay ang sumusunod:
- Simula May 19, ang curfew ay ginawang 11pm, sa halip na 10pm;
- Simula June 7 ay magiging 12am na ang curfew;
- At sa June 21 ay tuluyan nang tatanggalin ang curfew.
Samakatwid, ang sinumang nagta-trabaho hanggang gabi ay pinahihintulutang makauwi ng sariling bahay kahit makalipas ang 11pm hanggang bago ang 5am. Ipinapaalala ang pagdadala ng Autocertificazione, upang patunayan ang dahilan ng trabaho, emerhensya o anumang pangangailangan, sa kasong magkaroon ng pangongontrol mula sa awtoridad.
Ang ibang dahilan, bukod sa trabaho, pangangailangan o emerhensya, ay hindi pinahihintulutan.
Samakatwid, hindi maaaring idahilan sa awtoridad ang pag-uwi sa sariling bahay, mula sa isang dinner o cinema o pagbisita sa bahay ng kaibigan, makalipas ang 11pm mula May 19 at makalipas ang hatinggabi mula sa June 7. Maaaring magsimulang magbiyahe pauwi sa sariling bahay, makalipas ang 10 pm ngunit hindi dapat lalampas sa mga oras ng curfew.
Mamumultahan ba ang pag-uwi sa bahay mula sa isang dinner makalipas ang 11pm?
Kung sakaling makokontrol ng awtoridad habang pauwi ng sariling bahay makalipas ang 11 pm mula May 19 at makalipas ang hatinggabi mula sa June 7, nang walang balidong dahilan ay nanganganib mamultahan mula € 400.00 hanggang € 1,000.00.
Ang sinumang magdedeklara ng hindi katotohanan, peke o maling impormasyon ay makakasuhan at nanganganib ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon.
Gayunpaman, simula June 21 ay tuluyang tatanggalin ang curfew, ayon sa pinakahuling decreto. (PGA)
Basahin din:
- Curfew, ginawang 11pm. Narito ang road map ng bagong decreto
- EU green pass, sa Io app simula July 1
- Buong Italya, zona gialla na simula May 24