in

Dalawang magka-ibang address, maaari ba sa ricongiungimento familiare?

Ako po ay isang colf at naka live-in sa aking employer at nais ko pong kunin ang aking asawa at anak sa Pilipinas. Hindi ko sila maaaring patirahin sa bahay ng aking employer at ako po ay uupa ng apartment para sa kanila. Magiging problema po ba ito?

Mahalaga sa pag-proseso ng family reunification ang pagkakaroon ng angkop na tirahan batay sa hinihingi ng batas, at kinakailangan ang pagkakaroon ng tinatawag na certificato di idoneità alloggiativa.

Bukod dito, ayon sa Circular 1575/2008 ng Ministry of Interior, ay pinahihintulutan din sa kasong  ang aplikante ay magbibigay ng address na iba sa kanyang tinitirahan. Maaaring ang aplikante ay lilipat sa bagong address kasama ang mahal sa buhay na dadating o maaaring ang bagong tirahan ay para lamang sa mga mahal sa buhay na darating.

Kabilang sa mga mahahalagang requirements ng family reunification ay ang sahod na bihat sa regular na paraan at hindi  bababa sa halaga ng social benefit (assegno sociale) na itinalaga ng batas sa taong isinumite ang aplikasyon (para sa taong 2019).

Ang proseso para sa pag-aaplay ng nulla osta al ricongiungimento familiare ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Ipinapaalalang upang magkaroon ng access online ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng Sistema Pubblico d’Identità o SPID.

Ipinapaalala na ayon sa art. 29 ng d.lgs. 286/98, ay maaaring kunin ng isang non-EU national na mayroong balidong permit to stay tulad ng carta o di permesso di soggiorno per motivi di lavoro subordinato o autonomo, asilo, studio, religiosi o per motivi familiari, na balido ng hindi bababa sa isang taon at mag-aplay para sa nulla osta o entrance permit ng mga miyembro ng pamilya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino Runners & Bikers Rome, para sa sapat at malusog na katawan

Pagtatanggal ng cash salary sa domestic job, isinusulong!