in

Decreto Flussi 2023: Ano ang Autocertificazione ng ‘non-availability of workers’ sa Italya? 

Ang bagong Decreto Flussi 2023, na nagpapahintulot din sa pagpasok ng mga NON-seasonal subordinate workers, at nagbibigay ng fixed at indefinite contracts, ay nagsasaad ng mga bagong obligasyon para sa mga employers. 

Samakatwid, ang mga employers na nagnanais na mag-aplay ng nulla osta al lavoro para sa mga non-European workers, ay kailangang patunayan ang kawalan ng available workers sa Italya na maaaring magsagawa ng mga kailangang trabaho. 

Paano mapapatunayan ang non-availability na ito? 

Ang employer ay dapat magsumite ng isang angkop na request of personel sa kinasasakupang Centro per l’Impiego o Employment Center, na maaaring i-download sa link na ito, upang ma-verify kung may availabe workers sa Italy para sa angkop na trabaho.

Ang nasabing request ay kailangang patunayan, sa pamamagitan ng paglalakip ng Autocertificazione sa aplikasyon ng nulla osta al lavoro.

Kaugnay nito, ang pagproseso sa aplikasyon ng nulla osta ay hindi mananatiling “naka-pending” kung sakaling walang tugon o naaantala ang Centro per l’Impiego. Sa katunayan, nasasaad sa joint Circular ng Jan. 30, 2023 na ang pagbe-verify ng Centro per l’Impiego ay maituturing na natapos sa mga sumusunod na kaso:

  • Kahit sa kawalan ng tugon mula sa Employment Center mismo sa loob ng 15 araw ng request;
  • Kung para sa employer ay hindi angkop ang worker na ipinadala ng Employment Center;
  • Kakulangan ng Centro per l’Impiego na magpadala ng worker, sa loob ng 20 araw ng kahilingan.

Gayunpaman, ang verification sa unavailability ng mga manggagagwa sa Italya ay hindi para sa mga seasonal workers at para sa mga trained workers sa country of origin. (Atty. Federica Merlo)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 3]

‘Domenica al Museo’, free entrance sa mga museums sa Italya

Biktima ng lindol sa Turkey at Syria, umabot na sa halos 2,500