Batay sa Simplification decree DL 73/2022, ang nulla osta al lavoro o work permit at ang entry visa, ay iri-release sa mas mailking panahon, samakatwid, mas mabilis, ngayong taon kumpara sa nakaraan.
Partikular, ang mga artikulo 42-45 ng nabanggit na dekreto ay nasasaad:
- sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng aplikasyon, ang Sportello Unico Immigrazione (SUI) ay kailangang i-release ang nulla osta al lavoro kahit hindi pa nasusuri at wala pang nakukuhang impormasyon na maaaring maging hadlang dito;
- ang nulla osta ay awtomatikong ibibigay at ipapadala online sa Italian Embassy/Consulate sa country of origin;
- sa loob ng 20 araw mula sa aplikasyon ng entry visa, ang Italian Embassy/Consulate sa country of origin ay dapat mag-isyu ng entry visa;
- ang contratto di soggiorno (o residence contract) ay maaaring pirmahan sa SUI kahit pagkatapos masimulan ang trabaho;
Gayunpaman, kung masisigurado ng SUI ang kakulangan ng mga requirements para maisyuhan ng nulla osta, ito at ang entry visa, kung nai-release na, ay babawiin.
Kasunod ng releasing ng nulla osta at ng entry visa, ipapatawag ng SUI ang employer at ang dayuhan para lagdaan ang contratto di soggiorno.
Ang artikulo 44 talata 2 ng simplification decree ay nasasaad na ang pagsusuri sa mga employers ay ukol sa assets, economic-financial balance, sales volume, bilang ng mga empleyado, at uri ng isinasagawang aktibidad. Sa kasong positibo ang resulta ng pagsusuri, ay i-iisyu ang isang deklarasyon o ang asservazione na dapat iprisinta sa page-empleyo ng dayuhan.
Sa talata 6 ng parehong artikulo ay itinatalaga naman na ang Ispettorate del lavoro, sa pakikipagtulungan ng Ageniza dell’Entrate, ay magsasagawa ng mga kontrol (random) upang malaman ang pagsunod sa mga requiremenst at sa proseso mismo.
Basahin din:
- Narito ang detalye sa bilang ng Decreto Flussi 2023
- Decreto Flussi 2023:Ano ang dapat gawin ng employer bago magpadala ng aplikasyon ng nulla osta?
- March 27, ang click day ng Decreto Flussi 2023