Ang mga dayuhang mamamayan na naninirahan sa ibang bansa ay maaaring regular na makapasok sa Italya sa pamamagitan ng pag-aaplay ng work permit o nulla osta sa pamamagitan ng Decreto Flussi. Samakatwid, isang employer na naninirahan sa Italya na handang kumuha ng dayuhang manggagawa.
Basahin din: Narito ang detalye sa bilang ng Decreto Flussi 2023
Pagbabago sa Decreto Flussi 2023: Verification sa Centro per l’Impiego
Tulad ng unang ibinalita, ang artikulo 9 ng decreto, kasama ng art. 22 talata 2 ng TUI, ay ipatutupad ngayong taon sa pamamagitan ng isang bagong requirement: “ang kawalan ng available na workers sa Italya”.
Sa katunayan, ang employer na interesado sa pagkuha ng mga dayuhang manggagawa na naninirahan sa ibang bansa ay dapat alamin muna kung mayroong available worker sa Italya, sa pamamagitan ng Centro per l’Impiego o CPI. Ang verification na ito ay kailangang gawin bago mag-aplay ng nulla osta al lavoro.
ANPAL form para sa Employer
Upang ma-verify ang pagkakaroon ng mga workers sa Italya, dapat sagutan ng employer ang isang form na maaaring i-download mula sa official website ng Anpal. Ito ay ang “Richiesta di personale per la verifica di indisponibilità di lavoratori presenti sul territorio nazionale”.
Ang employer, gamit ang form, ay dapat tukuyin:
- ang uri ng trabaho at ang mga tungkulin ng worker;
- qualification ng hinahanap na worker;
- work place at oras ng pagtatrabaho;
- uri ng kontrata;
- duration ng kontrata;
- ang halaga ng suweldo o ang reference na national collective contract.
Ang opisyal na form na dapat sagutan na dapat isumite ng employer sa pagre-request ng mga workers sa Centro per l’Impiego ay nasa link na ito.
Tulad ng nasasaad sa Note ng Anpal, ang CPI, sa request ng employer ay uunahing ibigay sa employer ang mga tumatanggap ng NASpI (o unemployment benefit) at Reddito di Cittadinanza.
Aplikasyon para sa nulla osta
Ang aplikasyon para sa nulla osta ay tatanggapin lamang sa pagkakaroon ng self-certification o autocertificazione mula sa employer ukol sa naging verification of availability ng mga workers sa Italya, na nagsasaad ng mga sumusunod:
- ang kawalan ng sagot mula sa Centro per l’Impiego, ukol sa pagkakaroon ng isa o higit pang worker na nakakatugon sa mga hinihinging qualifications ng employer. Kailangang lumipas muna ang 15 working days mula sa request ng employer;
- Kailangang tiyakin ng employer na ang manggagawang ipinadala ng Centro per l’Impiego ay hindi angkop para sa posisyon matapos ang interview at bago ipadala ang aplikasyon;
- Makalipas ang 20 working days mula ng ipadala ang request sa Centro per l’Impiego at ang worker ay hindi nagpakita sa interview nang walang makatwirang dahilan.
Ang autocertificazione, sa pamamagitan ng Dichiarazione sostitutiva dell’atto di notorietà, ay dapat ilakip sa aplikasyon ng nulla osta.
Kailangan ding ipagbigay alam ng employer sa Centro per l’Impiego ang mga sumusunod:
- ang resulta ng selection interview;
- lahat ng mahalagang impormasyon para sa request;
- na ang worker na ipinadala ng Centro per l’Impiego ay hindi angkop sa selection; o
- tinanggihan ng worker ang inalok na contract.