Ang pagpasok sa Italya ng mga dayuhang manggagawa mula sa mga non-EU countries sa pamamagitan ng Decreto Flussi, ay nagaganap kasunod ng isang proseso na nagpapahintulot, bukod sa karagdagang hakbang para sa non-seasonal job, kundi pati na rin sa isang mas mabilis na proseso nito.
1. Preliminary phase: Verification of unavailability ng manggagawa
Para sa non-seasonal job ng Decreto Flussi 2023 ay kinakailangang i-verify ng employer na walang ibang manggagawang available sa Italya para sa hinahanap na posisyon. Ito ay dapat patunayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa Centro per l’Impiego.
Basahin din:
- Decreto Flussi 2023:Ano ang dapat gawin ng employer bago magpadala ng aplikasyon ng nulla osta?
- Decreto Flussi 2023: Ano ang Autocertificazione ng ‘non-availability of workers’ sa Italya?
2. Pagsagot at pagpapadala ng aplikasyon:
Mula January 30, hanggang March 22, 2023 sa nakalaang section sa website https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm ay posibleng i-download ang mga application forms para masimulan ang sagutan ang mga ito.
Simula March 27 hanggang December 31, 2023 naman ang pagpapadala ng mga aplikasyon. Dahil sa mayroong quota ang Decreto Flussi, ang mga aplikasyon ay tatanggapin a ipo-proseso batay sa pagkakasunud-sunod ng pagpapadala ng mga ito. Samakatwid, ipinapayong ipadala ang aplikasyon sa lalong madaling panahon.
Pagbabago: Sa aplikasyon isang sinumpaang salaysay o ang tinatawag na asseverazione ukol sa requirements ng mga employers, ay dapat ilakip sa aplikasyon. Sa katunayan, ito ang papalit sa Ispettorato di lavoro. Gayunpaman, posible pa rin ang magsagawa ng random check.
Sa ganitong paraan, inaasahang magiging mas simple ang proseso ng decreto flussi.
Bukod dito, sa taong ito ay possible ring maglakip ng anumang dokumentasyon sa aplikasyon, tulad ng non-availability certification ng ibang workers. Sa ganitong paraan, ay maiiwasan ang isang hakbang, o ang pagpapatawag o convocazione ng Sportello Unico per Immigrazone para sa pagsusumite ng mga dokumentasyon.
Basahin din:
- March 27, ang click day ng Decreto Flussi 2023
- Decreto Flussi: Ihanda ang mga aplikasyon, narito ang mga forms
3. Mas mabilis na processing: 30 araw para sa nulla osta al lavoro
Makalipas ang tatlumpung araw (30) mula sa pagsusumite ng aplikasyon, kung walang lalabas na mga hadlang (requirements ng employer, criminal record…) ay awtomatikong iri-release at ipapadala – online- ang nulla osta sa Embassy/Consulate sa country of origin ng dayuhan.
Samantala, ang entry visa ay dapat na i-release sa loob ng dalawampung (20) araw. (Atty. Federica Merlo)