Inanunsyo kagabi ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte ang mga karagdagang restriksyon ng Decreto Natale. Aniya, sasailalim sa zona rossa ang buong bansa sa mga araw ng December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6 . samantala, nasa zona arancione naman sa mga araw ng December 28, 29, 30 at January 4
Basahin din:
Ayon sa Decreto Natale, may pahintulot lamang lumabas ng bahay sa mga araw na nabanggit, ang dahil sa trabaho, kalusugan at pangunahing pangangailangan.
Marami ang nangangamba at nagtatanong kung:
May pahintulot ba ang magpunta ng simbahan sa mga araw na nabanggit?
Ang sagot ay OO. Maaaring magpunta ng simbahan o anumang lugar ng pagsamba sa mga petsang nabanggit.
Sa katunayan, nagbigay ng paglilinaw sa isang komunikasyon ang Italian Episcopal Conference matapos ianunsyo ang decreto Natale noong 18 Disyembre.
“Walang magbabago. Maaaring magsimba ngunit ipinapayo ang pagdadala ng Autocertificazione sa mga araw na nabanggit sa decreto natale”.
Sa mga sitwasyong nasasaad sa decreto Natale, ay nananatiling may pahintulot ang pagsisimba at pagpunta sa lugar ng pagsamba, sa kundisyong mapapanatili ang seguridad at ang pagsunod sa mga protokol.
Sa mga araw na nasa ilalim ng ‘zona rossa’ ay ipinapayo ang pagdadala ng mga mananampalataya ng tanyag na Autocertificazione. Ito ay upang mapabilis ang anumang posibleng kontrol ng awtoridad.
Isaalang-alang na sa Circular ng Ministry of Interiorng Nov. 7, 2020 ay binigyang-diin na ang lugar ng pagsamba o pagsisimbahan ay kailangang makatwirang kinikilala bilang isa sa pinakamalapit.
Basahin din:
Samantala, sa mga araw na nasa ilalim ng ‘zona arancione’ ay mas maluwag. Ang mga mananampalataya ay malayang makakapunta sa anumang lugar ng pagsamba o pagsisimbahan sa loob ng Comune kung saan na naninirahan.
Gayunpaman, ipinapaalala na sa pagsisimba sa Pasko at Bagong Taon ay kailangang isaalang-alang ang oras ng curfew na magsisimula ng 10pm. (PGA – larawan ni: Chet De Castro Valencia)