in

Dichiarazione dei Redditi 2023, paano at kailan dapat gawin ng mga colf at caregivers? 

Taun-taon ang mga domestic workers ay dapat alamin kung sila ay obligadong gumawa ng Dichiarazione del Redditi 730 o Modello Unico at para din malaman kung sila ay may karapatan sa tinatawag na ‘trattamento integrativo’ na nagkakahalaga ng €1200

Upang matanggap ang rimborso irpef o income tax refund, ang mga colf ay dapat gawin ang Dichiarazione del Redditi 730 o Modello Unico. 

Ang mga domestic workers hindi katulad ng ibang empleyado at mga workers, upang magkaroon ng Irpef credit na €1200 sa taong 2023, ay dapat gawin ang dichiarazione dei redditi 730 hanggang Octuber 2, 2023 nang walang withholding agent. Ang income tax refund ay darating sa bangko o postal current account sa December 2023, kung tamang naibigay ang iban sa Agenzia delle Entrate. 

Bilang alternatiba, maaari ring ipadala hanggang sa November 30, 2023, ang dating Modello Unico. Sa deklarasyong ito, ang rimborso irpef ay darating makalipas ang 18 buwan, mula sa pagpapadala ng income tax declaration. 

Ang €1200,00 na rimborso irpef, ay matatanggap kung ang CU o Certificazione Unica 2023, kaugnay sa natanggap na sahod ng colf sa taong 2022, ay mas mataas sa €8000,00 para sa 365 days at may contratto a tempo indeterminato. 

Samakatwid, una sa lahat, kailangang hingin sa employer ang certificazione unica 2023, kung saan nasusulat ang tinaggap na sahod sa bawat employer. Ito ay makukuha sa website ng Inps kung ang colf ay tumanggap ng unemployement benefit o Naspi sa taong 2022. 

Ang 730 senza sostituto para sa mga colf, ay maaaring gawin sa pamamagitan ng :

Tandaan na ang mga colf at caregivers ay obligadong gumawa ng dichiarazione dei redditi 730 o Modello Uncio 2023, kung ang sahod na natanggap sa taong 2022 ay higit sa €8000,00. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 4.1]

Renewal ng permesso di soggiorno, tatanggihan ba dahil sa hatol laban sa dayuhan? 

Paano maiiwasan ang cyber-attack sa telepono at pc?