in

Dichiarazione dei redditi. Paano gawin ito?

Magandang umaga po. Ako ay isang Pilipino sa Italya at nagta-trabaho bilang part-timer. Mayroon akong 2 trabaho na parehong part-time at pareho silang nagbigay ng CUD. Ayon po sa ilan nating kababayan ay kailangang gumawa ng dichiarazione dei reddito. Ano po ang aking dapat gawin?

Mayo 7, 2013 – Ang sinuman na nagkaroon ng kita o sahod sa nakaraang taon, ayon sa batas, ay dapat ipahayag ito sa estado, kung hindi, ay mapapatawan ng administrative and penal sanctions.  Ang income tax return o dichiarazione dei redditi  ay kailangan pa ring gawin kahit na sa kasong ang addizionali (additional taxes) ay hindi na-deduct sa IRPEF (o income tax) o na-deduct ng mas mababa kaysa sa nararapat. Lalong higit, kung ang tax payer ay nagnanais na makatanggap ng kabawasan o makahingi ng refunds o credits kaugnay ng labis na kabayaran buhat sa ginawang tax return sa mga nakaraang taon. Kasama sa mga pagbabago ngayong taon, ay makikitang ang binayarang IMU (o buwis) sa lupaing hindi pinaupahan o sa mga hindi pinaupahang bahay ay kumakatawan bilang Irpef at kaukulang addizionali.

IRPEF -imposta sul reddito delle persone fisiche o income tax

Ano ang tinatawag na detrazione?

Ang ilang sa mga gastusin, tulad ng gastusin sa kalusugan, sa edukasyon o interes ng house mortgage, ay maaaring gamitin upang mabawasan ang tinatawag na  imposta. Sa kasong ito ay tinatawag na detrazione. Ang benepisyong ito ay base sa uri ng gastusin (19 % sa health expenses, 36 0 50 % naman sa mga reconstruction). Sa kaganapang ang buwis ay mas mababa kaysa sa detrazione, ang bahagi ng detrazione na mas mataas kaysa sa buwis ay hindi maaaring ibalik. Mayroong isang natatanging detrazione ukol sa upa ng bahay, na sa ilang kaso ay maaari ring makatanggap ng refund.

Ano ang tinatawag namang deduzione?

Ito naman ay ang ilang uri ng mga gastusin tulad ng kontribusyon sa social security o sapilitan at kusang-loob na donasyon sa mga non-profit organization at iba pa, na magpapahintulot upang mabawasan ang babayarang buwis buhat sa kabuuang kita. Ito ang tinatawag na deduzione.

Sa parehong kaso ay mayroong mga operators na nagbibigay serbisyo at nagkakalkula ng halaga ng detrazione o ng deduzione at ito ay tinutukoy sa form 730/3, na ibinibigay sa tax payer matapos gawin ang kalkulasyon.

Lahat ng mga worker (kabilang ang mga mayroong contratto a progetto) o mga self-employed na hindi na obligado ang pagkakaroon ng partita IVA o VAT tulad ng mga retirees na tumatanggap ng pensyon at sinumang mayroong sahod buhat sa isang partnership, lupain o pag-aari (kahit sa ibang bansa) ay kailangang gamitin ang form 730. Samantala, ang mga mayroon namang partita IVA o mayroong kontrata sa sektor ng domestic job ay kailangang gumamit ng MODELLO UNICO. Ang tax return, batay sa uri ng deklarasyon (730 o Unico) at sa uri ng trabaho ay kailangang gawin mula Abril hanggang Setyembre.

Maaaring ihayag maging ang mga gastusin ng mga dependents (familiari a carico), na bahagi fiscally ng iisang pamilya (o nucleo familiare) ngunit nagtataglay ng sahod na katumbas o mas mababa sa 2.840.51 euros, gross ng mga deductible expenses.

Ang mga non-EU nationals na humihingi ng detrazione para sa mga dependents ay kailangang nagtataglay ng mga dokumentasyon na magpapatunay ng pagiging bahagi ng pamilya. Bilang kahalili ay maaaring magpakita ng mga sumusunod:
 – orihinal na mga papeles na ibinigay ng mga awtoridad ng konsulado sa sariling bansa, translated sa wikang Italyano at legalized sa prefect;
 – mga dokumento ng  sinumang buhat sa mga bansang kabilang sa Apostille Convention ng Oktubre 5, 1961 sa Hague conference, translated sa wikang Italyano at certified sa konsulado ng Italya sa sariling bansa

– dokumentasyong balido sa bansang pinagmulan, ayon sa batas ng sariling bansa, isinalin sa Italyano at sertipikadong bilang awtorisado ng Konsulado ng Italya sa bansang pinagmulan.

Bukod dito, ay posible na ideklara ang mga dependents na naninirahan sa ibang bansa kahit pa hindi nagtataglay ng fiscal code o codice fiscale. Kailangan lamang patunayan ang pagiging fiscally dependents.

Ang benepisyo ng paggamit ng modello 730 ay hindi kinakailangan ang kumplikadong kalkulasyon kung kaya’t maaari rin itong gawin ng nag-iisa o maaaring sa tulong ng mga operators ng CAF –cenrto di assistenza fiscale. Ang pagpapadala ng form sa Agenzia dell’Entrate ay gagawin ng employer o ng CAF. Ang refund sa buwis ay papasok diretso sa busta paga ng tax payer mula buwan ng Hulyo. Sa kasong mayroong halagang dapat bayaran ang tax payer, ito ay ide-deduct naman mula sa sahod simula Hulyo. Kung nais na gawin ang 730 ng nag-iisa, ang deadline ay April 30, samantala kung sa pamamagitan ng mga commercialista o operators ng Caf, ang deadline ay sa May 31. Ipinapaalala rin na ang mga nabanggit, sa bawat tax return, ay dapat na magbigay ng tinatawag na visto di conformità o ang sertipikasyon na ang mga tinataglay na datos ay wasto.

Maaari bang itama o magdagdag sa mga impormasyong inihayag na sa form 730?

Kung sakaling mayroong mga error o pagkakamali ay dapat na abisuhan agad at i-fill up ang form 730 rettificativo (amending). Gayunpaman, kung tumutukoy naman sa karagdagang datos, ay kailangang isaalang-alang na anumang modipikasyon ay maaaring maghatid ng higit na kredito, mas mababang utang na buwis (debito) o hindi magbabago ang buwis. Sa anumang kaso, ang modified 730 ay dapat na isinumite hanggang Oktubre 25. Bukod dito, ang karagdagan, ay hindi dahilan upang suspendihin ang naunang 730 at hindi mawawalang bisa ang obligasyon ng employer na gawin ang refund o ang kunin ang halagang dapat bayaran ng worker.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinong nagpapautang sa kapwa Pilipino, 10 arestado

Mga dokumentong kinakailangan sa paggawa ng Dichiarazione dei redditi