in

Dichiarazione di Immediata Disponibilità, ano ito at ano ang halaga nito?

Mayroong bagong paraan ng registration para magkaroon ng stato di disoccupazione. Ito ang unang hakbang sa pagtanggap ng serbisyo sa mga unemployment offices o Centri per l’Impiego, ang dating Ufficio di Collocamento.

Simula noong nakaraang Dec 4, 2017 ay ipinatutupad batay sa artikulo 19 talata 1 ng D.Lgs 150/2015 ang pagkilala sa stato di disoccupazione, pagkatapos ng isang deklarasyon, ang Dichiarazione di immediata disponibilità o immediate availability declaration. Ang kawalan ng trabaho at ang deklarasyong nabanggit ay ang mga pangunahing kundisyon sa pormal na estado ng unemployment.

Ang DID o Dichiarazione di immediata disponibilità o immediate availability declaration ay kailangang gawin online sa website na www.anpal.gov.it at hindi na sa Centro per l’Impiego tulad sa nakaraan.

Ang Anpal o Agenzia Nazionale per le Politiche Attive del Lavoro, ay isang ahensya ng gobyerno ng layuning tulungan ang mga nawalan at naghahanap ng trabaho at mapadali ang employment reintegration ng mga tumatanggap ng mga social allowances tulad ng Naspi o Nuova Assicurazione Sociale Per l’Impiego at Dis-Coll. Ito rin ang ahensya na nagbibigay ng serbisyo ng DID para sa mga walang trabaho o disoccupati.

Tandaan na ang ‘stato di disoccupazione’ ay kinikilala lamang sa unemployed kung sa SAP o Scheda anagrafico professionale, dating Libretto di lavoro ng worker ay makikita ang DID code na inilalagay ng ahensya nito nationwide. Samakatwid ang DID ay mahalaga para sa isang personalized agreement/contract sa pagitan ng unemployed at Centro per l’Impiego. Ito ay tumutukoy sa isang individual course na makakatulong sa employment reintegration sa labor market.

Ang DID ay ginagawa ng mga taong walang trabaho, kabilang ang mga dayuhan at mga hindi pa tumatanggap ng social benefit. Hindi naman dapat gawin ng mga nakatala na sa Centro per l’impiego at mga tumatanggap na ng Naspi, Dis-coll at ibang unemployment allowances dahil ang pagtanggap sa mga allowances na ito ay kahintulad na ng paggawa ng deklarasyon ng DID.

Paano gagawin ang DID?

Ang DID online ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paglo-log in gamit ang username at password sa ‘area servizi’ sa website ng Anpal. Samakatwid ay kakailanganin muna ang mag-register sa pamamagitan ng angkop na form, sa section ‘iscriviti ora’.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa toll free number 800.000.039 mula Lunes hanggang Biyernes mula 9:00am hanggang 6:00pm. Maaari ring magpadala ng email sa info@anpal.gov.it.

 

 

PGA

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT NA BATO SA APDO

Shabu business sa Modena patuloy pa rin, Pinoy arestado