Ang mga dayuhang mamamayan na papasok sa bansang Italya upang manatili sa maikling panahon, halimbawa para sa turismo, negosyo o pag-aaral, ay hindi kailangang mag-aplay para sa permesso di soggiorno, dahil ang pananatili sa Italya ay hindi aabot ng tatlong buwan o maaaring mas maikling panahon pa kaysa sa nasasaad sa entry visa.
Sa ganitong mga pagkakataon ibang dokumento ang kakailanganin. Ito ay ang ‘dichirarazione di presenza’ o ang deklarasyon ng pananatili sa Italya, kung saan nasasaad na ang mga dayuhan ay kinakailangang bumalik sa kanilang sariling bansa pagkatapos ng bakasyon o turismo, negosyo o pag-aaral.
Gayunpaman, kinakailangang alamin ang mga bansang kasapi sa Schengen agreement, na nag-alis ng lahat ng frontier control sa mga bansang pumirma sa kasunduan.
Mga mamamayan na nagmula sa mga bansang kabilang sa Schengen Agreement
Ang mga mamamayan na nagmula sa mga nabanggit na bansa ay dapat gawin ang ‘dichirarazione di presenza’ sa Italya sa loob ng 8 araw ng pagpasok sa bansa, sa pamamagitan ng pagsagot sa angkop na form (ito ay downloadable sa link na ito) na isusumite Questura.
Ang hindi makakapagsumite ng nabanggit na deklarasyon, o kahit ang manatili sa bansa ng higit sa 90 araw o higit sa panahong nasasaad sa entry visa, bukod sa mamumultahan mula €103 hanggang €309, ay nanganganib ng expulsion, at pagbabawalan din na muling pumasok sa Italya para sa itinakdang panahon.
Para sa mga nananatili sa hotel o iba pang accomodation, ang huling nabanggit ang mag-aabiso sa Questura ng kanilang pananatili. Kailangang dala palagi ang resibo ng dichiarazione di presenza, na kailangang ipakita sa awtoridad sakaling magkaroon ng kontrol.
Mga mamamayan na nagmula sa mga bansang hindi kabilang sa Schengen Agreement
Obligado ang dichiarazione della presenza sa pagpasok sa frontier, kung saan titimbrohan ng Pulisya ang pasaporte o travel document ng dayuhan.
Mahalaga ring malaman na kung ang pasaporto o travel document ng mga non-Europeans ay walang timbro sa airport of entry ng isa sa mga Schengen countries, ay maaaring isipin na nanatili ng higit sa panahong pinahintulutan ng batas at nanganganib ng expulsion. Samakatwid, mahalagang mayroong maipapakitang ebidensya na nagpapatunay ng panahon ng pagpasok sa Schengen Area (halimbawa, airplain ticket).
Mga mamamayan na may permesso di soggiorno na inisyu sa ibang bansa ng European Union
Sa kasong ito, kakailanganin pa rin ang dichiarazione di presenza sa Italya, kung hindi nais ang mag-aplay para sa permesso di soggiorno sa mga kasong pinahihintulutan ng batas. Atty. Federica Merlo – Stranieriinitalia.it