Ang Ombudsman (o Difensore civico)
Ang Saligang Batas ng Italya ay naglalayong magbigay sa mga ahensiya ng pamahalaan ng sigurado, tiyak at epektibong kahusayan at kawalang-pinapanigang administrasyon.
Sa katunayan, madalas hindi ito nangyayari at ang mga mamamayan na lumalapit sa ilang mga tanggapan ng pamahalaan upang isumite ang mga kahilingan, humingi ng mga sertipiko, tumanggap ng mga serbisyo, tumanggap din sa mga abala at gayun din ng kawalang katarungan.
Sa mga kadahilanang ito at upang masiguro ang paggalang sa prinsipyo ng saligang batas, ay itinaguyod, sampung taon na ang nakaraan, ng katauhan ng Ombudsman, ngunit sa ngayon, ang Ombudsman ay nagiging mas mahalaga.
Maraming mga rehiyon, probinsya at munisipalidad ay mayroon nang Ombudsman.
Sa mga palatuntunan ng mga regions, provinces at municipalities ay matatagpuan ang mga pamamaraan sa pagpili, ang tangal ng panununghulan at mga tungkuling kinikilala.
Kaya’t maipapayo na suriin sa kani-kanilang probinsya, munisipalidad o rehiyon ang mga kapangyarihan na ipinagkaloob sa Ombudsman.
Sino ang Ombudsman ?
Ang Ombudsperson ay hindi isang abogado o isang hukom o isang pulitiko, ngunit isang mamamayang eksperto sa mga gawaing legal at sa mga buwis na ibinibigay sa pagitan ng mga pribadong mamamayan at pampublikong administrasyon upang malutas ang isang problema o maiwasan ang isang depektong gawain, operasyon sa teritoryo sa lahat ng antas, sa munisipyo, sa probinsiya at maging sa rehiyon man.
Ito ay hindi isang hukom at hindi maaaring maglabas ng sentensya at hindi maaaring mag-multa.
Kanyang gawain ang mapuksa ang pang-aabuso, pagkaantala, pagpapahirap sa serbisyo o diskriminasyon, na maaaring pagdaanan ng isang mamamayan mula sa opisina ng pamahalaan (munisipalidad, mga lokal na kalusugan, mga pulis, atbp. Atbp ..) at upang maiwasan ang anumang mga paghahabol sa hukuman.
Maaaring humiling ng impormasyon sa katayuan ng mga papeles, ngunit maaari ding humiling sa mga pampublikong tanggapan na magpatibay ng kaukulang panukala na magiging kapaki-pakinabang sa karamihan ng mga mamamayan.
May karapatang:
– hanapin at kumuha ng impormasyon, sa pinakamabilis na panahon;
– tingnan ang mga dokumento upang direktang beripikahin ang mga ito at gumawa ng kopya ng walang hihinging kabayaran
– magkaroon ng access sa mga pasilidad upang alamin ang sitwasyon at pangyayari kabilang ang paghahanap ng mga katibayan.
Paano makikipag-ugnayan sa Ombudsperson?
Ang mga mamamayan na nais humingi ng payo sa Ombudsman ay kailangang kumontak sa kanilang bayan, sa kanilang sariling mga lalawigan o rehiyon upang tanungin kung saan matatagpuan ang tanggapan ng defender.
Sa katunayan, ang katarungan ay tiyak, ayon sa uri ng problema ng mamamayan na nagnanais na malutas.
Sa kaso ng pang-aabuso o ng kabiguan sa isang opisina na sumusakop sa lungsod, nararapat na tawagan ang City hall, tulad ng exemption sa pagbabayad ng ICI.
Para makatanggap ng impormasyon, mag prisinta ng reklamo o ng petisyon o para humingi ng appointment ay maaaring:
– Sumulat ng liham sa tanggapan
– tawagan ang binigay na numero ng telepono
– Magpadala ng Fax
Kadalasan, sa website ay maaaring mag fill up ng form at magpadala ng email.
Mahalagang isulat o iwanan ang pangalan, address at numero ng telepono palagi, sa anumang paraan ng kominikasyon para sa gagawing pakikipag-ugnayan, kasagutan o pagpapaliwanag.
Ang paglilingkod sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay payo ay libre ngunit hindi maaaring mamagitan sa mga pribadong bagay, tulad ng problema sa condominium o lawsuits.
Matapos maihayag ang problema, ay hahanap ito ng mga pagpapatotoo at gagawa ng mga pagsisiyasat sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kung mapapatunayan ang masamang pamamahala, pang-aabuso sa kapangyarihan o pagpapahirap sa serbisyo, hihingi ito sa tanggapan ng nanunungkulan na gumawa ng isang hakbang para sa mamamayan at sa kasong ipagkait ng nanunungkulan ay sapilitang kanyang isusulat ang mga pagtanggi nito. Laban sa pagtangging ito, ang mamamayan ay maaaring magharap ng kaso sa hukom upang humingi ng mga legal na kabayaran sa pinsala sa pagkakaroon ng katwiran.
Ang Ombudsman, bukod sa pagiging isang tagapamagitan sa mga partikular na kaso, maaari ring gumawa ng mga pagsisiyasat, at tanungin ang mga kinauukulan upang tiyakin ang maayos na pagpapatakbo ng pampublikong tanggapan.
Kadalasan ay ang asosasyon ng mamamayan ang naghahatid sa mga Ombudsperson ng mga pagkaantala o pang-aabuso ng ilang mga tanggapan.